Alex.

7 0 0
                                    

There was this guy who don't have a friend, Alexus Seph A. Calzado, ever since he was a child. He thought that there is no person that he can call a childhood friend. Hindi man siya magsalita tungkol doon, pero sa loob-loob niya ay gusto niyang maranasan ang magkaroon ng kaibigan na tapat at hindi siya iiwan. Magkaroon ng kaibigan na poprotekta sa kanya sa lahat ng bagay na hindi na niya kailangan ng tulong ng iba. Na may magpapagaan ng loob niya kapag nawawalan na siya ng pag-asa.

He was a home study person. Never been experience a traditional classroom setting. That's why it's hard for him to find a true friend. Who will find a friend if even going out is tough with him. Pero hindi niya masisisi magulang niya dahil ang iniisip lang ng mga ito ay ang kaligtasan niya.

Mababait magulang niya, actually. They owned a company. Not a big company like others but they can help people who's needy. Especially who is handicapped. His mother manages it and their other relatives while his father is a lawyer.

Until he met a girl. She is the daughter of his father's fellow lawyer. Sa tuwing may trabaho ay kasama nito ang nag-iisang anak na babae. Ito ay 16 years old na samantalang siya 15 pa lamang. Masaya siya dahil sa wakas ay mayroon na siyang magiging kaibigan.

Isang araw, bumisita ulit ang mag-ama dahil may gagawing trabaho ito kasama ang kanyang tatay. Nakaupo siya sa sofa habang naghihintay kung anong mangyayari. Mayamaya ay naramdaman niyang may papalapit sa kanya at hindi niya alam pero napangiti siya. Bigla na lang siyang kinabahan dahil unang beses niya makakakilala ng ibang tao na hindi niya kaano ano.

"Uhmm," hindi niya alam kung anong sasabihin niya at paano magpapakilala sa lagay niya.

"Hehe. Hello! I'm Alexandra Zelle E. Millares. But you can call me Alex for short. I'm the daughter of your father's friend. Nice to meet you! And you are?" sunod sunod na sabi nito sa kanya. Nagulat siya dahil ang agresibo nito hindi tulad niya na mahiyain. Pero mas nagulat siya dahil magkapareho pa sila ng palayaw.

"A-Alexus..."

"Oh My! Can I call you Alex too? We have the same nickname!" Tumango na lang siya at tumawa dahil pumalakpak ito at tuwang tuwa dahil sa kanilang pangalan.

Marami silang pinag-usapan at sa sandaling iyon ay gumaan ang loob nila sa isa't isa.

Lumipas ang ilang linggo na walang araw na hindi bibisita sa kanya si Alex. Kahit pa walang gagawing trabaho ang mga tatay nila ay pumupunta pa rin ito sa kanila para mag-aral at makipagkuwentuhan. Naging open din sila sa isa't isa at naikwento na sa kanya ang mga karanasan nito. Sinabi na rin niya ang kanyang kalagayan at kahit ganoon ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo sa kanya ng babae, si Alex. Pero kahit nasabi na niya lahat dito ay sa tuwing mag-uusap sila ay parang may lungkot itong dinadala. Pero nababalewala din ito dahil biglang magpapatawa ito o di kaya ay magyayabang ng kahit ano. Hindi na rin niya ito pinansin pa at nagpatuloy na lang sa asaran nila.

Lumipas ang ilang buwan at nalalapit na ang pasukan. Nalulungkot siya sa tuwing maiisip niya na hindi na sila magkakausap ni Alex dahil sa pag-aaral nito.

"Malapit ka nang bumalik ulit sa eskwelahan niyo. Hayyss, ang tagal naman! Para wala nang mangungulit sa akin," nakangiti niyang biro isang araw nang bumisita ulit ito sa kanila kasama ulit ang tagapangalaga nito.

"Tse! Ewan ko sa iyo. Mamimiss mo naman ako. Bahala ka," sagot nito nang may halong tawa.

"Hahaha! Tingnan natin!?" tawa niya dito.

Hinampas nang biro siya nito at nagtawanan na ulit sila katulad lang ng nakagawian.

"Pansin ko lang ah. Bakit lagi mong kasama yung nanny mo? Tanda tanda mo na hindi ka pa rin makapag-isa? Haha! Tsaka bakit hindi ka naupo dito sa sofa? Lawak-lawak dito ah!?" biro niya dito makalipas ang ilang sandali.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bhestslayer's One shotsWhere stories live. Discover now