Ama

2 0 0
                                    

Tahimik man sa gilid
Siyang nagmamasidmasid din
Bawat paglayag ng iyong bangka
Siya'y palaging nakaalalay

Hindi man niya ipakita
Siya'y tunay na ika'y pinagmamalaki
May tropeyo man o wala
Ikaw ang unang nyang kayamanan

Ang Amang walang tigil ang serbisyo
Minsan nagkakasakit kahit walang bisyo
Mapakain lamang ang mga anak
Isasantabi na lang ang alak

Kailan man hindi mamumuntawi ang pagod
Kahit ang katawan na ay uugod ugod
Nakangiti pa rin sasalubong saiyo
Kay dami mang naitalo

Mga bagay bagay na kanyang iniisip
Nawawala kapag tiningnan ang iyong silid
Mahimbing na natutulog
Napakalaking kayamanan

Kaya heto ako Itay
Nabibingi sa palakpakan
Nasisilaw sa mga liwanag
Liwanag ng kasiyahan

Para sainyo ito ni inay
Sa lahat ng sakripisyong inyong inilantay
Ang kayamanan ng inyong pagmamahal
Naririto na't kayo naman ang pagaalayan

UNPOETICAL ANTIDOTEWhere stories live. Discover now