Chapter 3

11 1 1
                                    

Jamaima's Pov

Maaga akong lumabas ng bahay pero akala ko sa eskwelahan ako dederetso pero mas inuna kong magpahangin kaya naman pumunta muna ako sa mall kanina. Nag-usap narin kami ni kylie na hindi kami papasok ng morning class. Nasa school na ngayon ako at hindi ako nakauniform. Nakapasok naman ako at nalusutan ang guard kasi nga nakakotse ako. Sa guardhouse  nga pala kami magkikita dapat ni Kylie pero mahuhuli ako ng guard na hindi ako nakauniform, malalagot ako. Kaya naman dumiretso ako sa quadrangle at tinawagan siya.

"Hoy ky! Dito nalang sa quadrangle tayo magkita. Nandito ang kotse ko nakaparada. Baka makita  ako ni guard eh." Sabi ko dito habang tinitingnan ang paligid. Baka makita ako ng mga Cbs officers tss.

"Bakit naman kung makita ka?" Tanong nito.

"Hindi ako nakauniform gaga. Nakawarning na ako sa ssg office. May record na ako doon e" sabi ko naman.

"Edi sinong mas gaga sa atin ngayon? Pumasok kapa, di ka naman pala mag-uuniform" si kylie

"Ang dami mong satsat. Bilisan mo. Asan kanaba ha?!"

"Malapit na. Sige. Bye muna" sabi nito at pinutol na sa kabilang linya.

Pagkaraan lamang ng ilang minuto, may kumatok sa may pinto ng kotse  ko. Nakita ko naman si kylie na tumambad kaya naman binuksan ko ito.

"Tara na. Ano diyan kanalang?" Nakataas kilay pa niyang tanong

Bumaba naman ako sa kotse ko at pinagtinginan ako ng ibang nakakita sa akin.

"May hindi nakauniform oh"

"Hala. Nag-iikot sa ngayon ang mga visitors ng school diba?"

"Paano siya nakapasok?"

Ilan lamang yan na narinig kong komento ng ilan sa mga estudyanteng nadadaanan namin ni kylie habang papunta kami sa canteen dahil lunch time na. Lumabas doon ang matagal tagal ko ng crush na si Lance at ang kanyang barkada. Lalapitan ko na sana sila nang makita ko kung sino ang sumunod  na lumabas.

"Aray beh. Ang sakit niyan." Ssabi ni kylie at nang tingnan ko kung saan siya nakatingin, pareho pala kami ng tinitingnan.

"Wala akong pake. Tara na" sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang canteen. Nakaalis narin sila.

"Alam ko namang lalapitan mo sana eh. Jusko, ikaw paba." Pang-iinis nito sakin. Alam kasi niyang matagal ko ng gusto si Lance. Hindi nalang ako umimik.

"Bakit kaya sila magkasama anoh? " Tanong na naman nito.

"Baka nagkasabay lang."

"Osige, papanig ako sa iniisip mo kahit alam kong hindi yan ang talagang naoobserve mo hahaha" sabay tawa pa niya. Nakakainis talaga  tong babaeng ito e.

Inasar ako ng inasar ni kylie habang naglalakad kami nang may tumawag ng pangalan ko.

"Miss Jamaima Reyes, tara po muna sa Cbs office" sabi ng babae.

"At bakit?!" Pinag-iinit nito ulo ko e.

"Hindi po kayo nakauniform. Nakawarning na po kayo dati"

"I don't care. Tabi nga diyan" sabi ko sa babae at hinila na si kylie.

"Maima." Biglang bungad  ng aking kambal.

"Ano Ms. President?!" Sabi ko sakanya

"Sumama kana lang sakin at ako na kakausap sa head ng ssg."

"Magpapasikat kana naman. Tssk" sabi ko

Hindi naman siya umimik at pumunta nalang at nauna na sa office.

"Ms. Reyes, ano bang gusto mong mangyari? Importante ba ang eskwelahan mo para sayo? E kahit eslwelahan, ayaw mo magpakita ng respeto at pakikinig sa mga simpleng iuutos. I'll call your parents, this is your second time" sabi ng head ng ssg sa akin na si sir Danny.

"Wag po sir. Ako na po humihingi ng tawad kung lumabag na naman po sa rules ang aking kapatid. Hindi po kasi nakapaglaba si yaya kahapon at kagabi kaya wala  pa siyang magagamit." Pagpapalusot ni maica para lang hindi nito tawagan ang parents namin. Nakatingin lang ako sakanila habang nakaupo. I'm too bored. Alam ko naman na ipagtatanggol ako nitong anghel kong kambal e.

"Pero ms. president, madami naman siyang pwedeng isuot na mas maayos pero look at her. Parang hindi sa school ang pupuntahan niya at hindi matututo ang kambal mo kung ganyan na ipinagtatanggol mo siya" sabi ni head

"Sorry sir, huli na po talaga ito." Sabi nito. Nakita ko namang napahawak nalang sa noo si head at lumabas na.

"Oh anong tinitingin tingin niyo pa diyan?!" Sabi ko naman sa mga officers na nakatingin sa amin ngayon.

Nagsialisan naman sila at sumunod akong lumabas sa office ng padabog. Naiwan naman ang kambal kong anghel sa loob.

"Oh anong balita?" Bungad ni Kylie

"Ayun, niligtas ako ng anghel kong kambal. Hindi na nila pinatawag ang parents namin. Tss."

"Mabuti naman kung ganun. Salamat naman" nakahinga naman ng maluwag si kylie. "Tara, kain na muna tayo bago pumunta sa afternoon class natin." Yaya nito kaya naman umalis na kami para makakain na at makaattend narin ng afternoon class.

The ClockWhere stories live. Discover now