Scarlet Pov
Tss.. Heto nanaman ako andito nanaman ako sa mala impyernong room nato! Bakit mala impyerno? Paanong hindi to magiging mala impyerno? Aba baka Andito lang naman yung hari ng mga demonyo. Itago nalang natin sya sa pangalang Drake!
Nagtataka nga ako kung bakit ang aga ng lalaking to diba lagi naman tong late? Kainis! dapat late nalang sya para hindi nya ako asarin!
"Huy Nerd Na Panget!" See? Nang-aasar nanaman! Arghhh! Hindi ko sya nilingon bakit ko naman sya lilingunin ehh Hindi ko naman pangalan yun? Alam Kong ako yung tinutukoy nya pero sorry nalang sya mas magaling akong mang-asar.
"Bakit Hindi ka namamansin?" Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko tapos parang sinusuri nya pa ng mabuti ang mukha ko. Ayy! Feeling close ganun?
"Bakit naman kita papansinin? Close ba tayo?" Taas kilay Kong tanong.
"Kasi tinatawag kita!" Sagot nya.
"Huh? Ako ba ang tinatawag mo? Sa pag kakaalam ko Sarlet Lee ang pinangalan sa'kin ng mga magulang ko hindi nerd na Panget tignan mo pa sa ID ko." pagmamaang-maangan kong pangasar narin sakanya sabay agat at pakita ng ID ko.
"Tss.. Bakit diba ikaw lang naman ang Panget na nerd na nandito!"
"Share mo lang?" Pang-aasar ko pa.
"What the heck!?" Umuusok na ata ilong nya sa galit.
Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Mangunguna mang asar tapos pag ginantihan asar talo?
"What the heck what the heck kapa Jan akala mo gwapo ka?" Pinandilatan ko sya ng mata para lalo syang mainis medyo nilakasan ko pa ang boses ko.
"Aba Oo! Gwapo naman talaga ako!" Pagmamalaki nyang sagot taas noo pa ang boyset.
"Yabang ahh? Ahh! Yang kagwapuhan mong ikaw lang ang nakaka alam yung parang self support nalang. Aww! kawawa kanaman!" Umakto pa akong parang awang awa sakanya.
"Para sabihin ko sayo itong kagwapuhan ko alam ng lahat ng tao!" Halatang pigil inis nyang sagot.
"Alam ng lahat ng tao?" Taas kilay kong tanong.
"Oo." nakangisi nyang sagot.
"Ehh bakit ako Hindi ko alam?" Nakangisi ko ring tanong.
"Kasi Hindi kanaman tao." Sabi nya sabay smirk!
Tumawa naman lahat ng classmates namin sa sinabi nya. Kanina pa pala sila nakikinig saamin? Mga chismoso at chismosa lang ehh noh?
"Are you refering to yourself? Sa pag kakaalam ko ikaw lang naman ang hindi tao dito." Pigil inis kong sagot nag smirk rin ako sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/146864946-288-k805338.jpg)
YOU ARE READING
The Nerd Is The Legendary Gangster Queen
Teen Fiction𝙷𝚒! 𝙸'𝚖 𝚂𝚌𝚊𝚛𝚕𝚎𝚝, 𝚂𝚌𝚊𝚛𝚕𝚎𝚝 𝙻𝚎𝚎 𝚝𝚑𝚎 𝚘𝚗𝚎 𝚝𝚑𝚎𝚢 𝚌𝚊𝚕𝚕𝚎𝚍 𝚝𝚑𝚎 '𝙻𝚎𝚐𝚎𝚗𝚍𝚊𝚛𝚢 𝙶𝚊𝚗𝚐𝚜𝚝𝚎𝚛 𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗.' 𝙼𝚢 𝚋𝚛𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛 𝚐𝚊𝚟𝚎 𝚖𝚎 𝚊 𝚙𝚞𝚗𝚒𝚜𝚑𝚖𝚎𝚗𝚝 𝚋𝚎𝚌𝚊𝚞𝚜𝚎 𝚘𝚏 𝚋𝚎𝚒𝚗𝚐 𝚒𝚛𝚛𝚎𝚜𝚙𝚘𝚗...