Hold You Tight

1.9K 82 121
                                    

Kinabukasan umastang hindi naapektuhan si Jaki sa wrong sent text message sa kanya ni Tom. Hindi siya nagtanong kay Tom. Ngumingiti siya. Parang walang problema.

Pagpasok niya sa Showtime, medyo tahimik lang siya. Hindi rin siya nagpapahalata sa mga kasama niya lalo kapag moment na nila ni Vice. Masaya pa rin siya. Normal na Jaki lang.

Nang matapos ang Showtime, katabi niya si Madc na nakatayo. Naisip niya itong ayain.


Jaki: Te Mads...

Madc: Oh?

Jaki: May lakad ka ba ngayong hapon?

Madc: Hmm.. wala naman. Bakit?

Jaki: Papasama kasi sana ko sa 'yo.

Madc: Saan?

Jaki: Gusto ko lang isurprise si Tom sa school niya. Matagal na kasi niya ko pinapapunta dun para ipakilala sa mga kaibigan niya.

Madc: Sa'n ba school niya?

Jaki: Malapit lang dito sa ABS.

Madc: Sige. Ngayon na ba?

Jaki: Di naman rush.

Madc: Sige magbibihis na lang muna ko.


Pagkaalis ni Madc, tumingin lang si Jaki sa phone niya at nag-isip. Nagtagal pa sila ng halos 30 minutes bago umalis.

Nang makarating sila sa campus kung saan nag-aaral si Tom, tumitingin ang mga tao sa kanila ni Madc.


Madc: Mukhang kilala ka na dito, Ate Girl.


Di naman sumagot si Jaki. Busy siyang naghahanap kay Tom.


Madc: Teka, alam mo ba kung sa'n hahanapin dito si Tom?

Jaki: Schedule lang niya ang alam ko.

Madc: Ayy ang galing mo talaga, Ate Girl.


Lumingon-lingon si Jaki. Pati si Madc. Nang makarating sila sa kabilang building may ilang grupo ng mga estudyante na lumabas sa classroom. Nakita ni Madc si Tom.


Madc: Ate Girl, ayun na si.... *di natuloy ang sasabihin*


Natigilan si Madc nang makita niyang may kaakbay na babae si Tom at hinalikan niya pa ito sa pisngi. Napatingin na rin si Jaki at nakita niya ang eksena ni Tom kasama ang isang babae na sexy, maputi at mukhang matalino. Sinundan lang nila ng tingin si Tom. Mas nabigla si Jaki nang makita niyang hinalikan ni Tom ang babaeng kaakbay niya sa labi. Naghiwalay din sila pagkatapos no'n. Tumigil ang ikot ng mundo ni Jaki at bigla siyang napayuko. Hinawakan ni Madc si Jaki sa kamay.


Madc: Tara lapitan natin sila.

Jaki: Wag na.

Madc: Bakit? Akala ko ba gusto mong isurprise yung boyfriend mo?


Tumingin lang si Jaki kay Madc.


Madc: Alam mo 'to?

Jaki: Ang totoo, gusto ko lang siyang hulihin. Kagabi kasi na-wrong sent siya sa 'kin. Kaya...

#WhatIf -=JakiVice=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon