Day 8.4

3.2K 110 37
                                    

12:33 am

Biglang umatake si Cassey at buong lakas na ibinaon sa magkabilang mata ni Vernon ang mahahabang daliri nito na may mga matutulis na kuko.

Sa takot ni Kate sa nakita ay tumakbo ito palabas na sumisigaw.

Hindi na nakagalaw pa si Vernon nang mas lalo pang ibinaon ni Cassey ang mga daliri niya sa mukha ng lalake. Puro daing lang ang nagagawa nito habang nalalasahan ang dugo niyang dumadaloy pababa ng mukha.

Bumaba si Cassey mula sa bisig ni Vernon na hindi inaalis ang kamay sa mukha ng lalake. Gamit ang malayang kamay nito ay sinakal niya si Vernon saka inikot-ikot ang daliri sa kaloob-looban ng lalake.

Humahalakhak na parang baliw si Cassey habang hinuhukay niya ang kaloob-looban ng lalake.

Nang mapansin niyang nanginginig na si Vernon at malalagutan na ng hininga ay dahan-dahan nitong hinugot ang kamay niya saka sinipa ang lalake pabagsak sa sahig.

Mula sa higaang bakante ay kinuha ni Cassey ang palakol at binalikan ang walang-buhay na katawan ni Vernon. Bumwelo siya saka ibinagsak sa tiyan ng lalake ang palakol. Dinig na dinig ni Cassey ang tunog ng napunit na laman at ang pagkabasag ng buto ng lalake nang bumaon ang palakol. Ilang saglit pa ay pumulandit ang dugo at kumalat ito sa sahig, gumagapang papalapit kay Cassey.

Hinugot ni Cassey ang palakol. Muli ay bumwelo siya't doon na ibinagsak sa leeg ng lalake ang palakol. Sa lakas ng pagtaga niya ay naputol ito at gumulong ang ulo ni Vernon papunta sa paanan niya.

Sinipa ni Cassey palalayo ang ulo saka humakbang. Uugod-ugod na kumilos ito palabas ng silid dala-dala ang palakol na may bahid ng dugo. Bawat hakbang niya'y nag-iiwan ng dugo't nana na may halong laman sa sahig na nagmumula sa mga sugat niya sa katawan.

Hahanapin niya si Kate...

Cassey, [Book Two]Where stories live. Discover now