Prologue

42.9K 803 214
                                    




"Sis, saan banda mga two-piece niyo?"




"Swimsuit?"





"Ay hindi sis. CHICKENJOY. Saan banda ang inyong mga two-piece chickenjoy?"





Nakakaloka. Mataray na nag walk-out si Franz matapos siyang pasimpleng ikutan ng mga mata ng sales lady sa isang kilalang shopping mall. Nasa swimwear section naman na kasi sila, nakuha pa nitong mag tanong.



Palapit na siya sa mga kaibigan ng salubungin pa siya ni Rizza at kurutin sa kaniyang tagiliran.



"Arouuuccch!" Tili pa nito na tuluyab ng nakaagaw pansin sa ilang mga mamimili. Napangisi na lamang sila Clarence at Clarisse. Samantalang si Chase naman ay tila wala pa rin sa kaniyang sarili. Kanina pa nito hawak hawak ang isang sunglasses at titig na titig pa nga dito.




"Bakla ka!" singhal pa ni Rizza. "Nainis tuloy si Ate."




Hinawi ni Franz ang non-existing bangs at bahagyang pinandilatan ang kausap. "Eh ano kung nainis siya? Naimbyerna naman ako." sabi pa nito at tsaka binalingan si Chase. "Beh, sa ilong nilalagay yan. Isukat mo, dali..."




Umaktong nagulat naman si Chase sa sinabing iyon ni Franz. Ibinalik niya ang hawak na salamin at pasimpleng ngumiti lamang sa mga kaibigan. Napailing na lamang si Clarence. Ilang araw niya na ding napapansin na balisa ang kaniyang bestfriend. Hindi niya naman mausisa. Umiiwas lamang ito kapag tinatanong.




"Nakita mong ang lamig lamig pa, swimming na agad ang nasa isip mo. February palang, bakla. Lakas makapag hanap ng swimsuit. Di ka din excited, no?"






Halos tumirik ang mga mata ni Franz matapos sipatin ang balat ng kausap. Kababaeng tao, hindi marunong mag skincare. "Ay beh, mukhang mas excited ka pa nga sa akin."




Nag pose na si Rizza na akala mo model sa isang men's magazine. Hindi niya alintana na medyo nakakagambala siya sa mga dumadaang mamimili. Nakakadiri, ika pa ni Franz sa sarili. "Oh talaga ba? Dahil ba sa aking beach perfect body?"




“Hindi beh. February palang kasi, pang summer na yang balat mo. Dry na dry. Jusko, lumaklak ka nga ng moisturizer!"



Masasabunutan na sana ni Rizza sa Franz kung hindi lang sila naawat ni Clarisse. She's starting to get used to their banters. Naeenjoy niya ang company ng mga bago niyang kaibigan. “Uy, speaking ng beach. Gusto niyo bumisita sa beach house namin sa Quezon? Next month, maybe? Sakto, patapos naman na ang klase.”


Parang kinikiliti at sobrang excited si Franz sa invitation na iyon ni Clarisse. Nasanay kasi silang magkakaibigan na puro swimming pool ang pinupuntahan kapag summer. Madalang pa nga iyon dahil mas madalas na wala namang ganap tuwing tag-init. Lumilipas lamang ang bakasyon nila na parang wala lang.




“OMG, swimming?!” tili pa ni Rizza.





"Hindi beh, HIKING." Irap pa ni Franz. "Beach house nga, diba? Malamang swimming. Parang gaga.”




Dahil excited na din ay hindi na lamang pinatulan ni Rizza ang pang iinis ng kaibigan. “Sakto pala. Second week nalang ng March, pwede? Para post-birthday celeb na din namin ni kambal. Set na natin, please? Clarence? Chase?”



Nagulat na lamang ang magkakaibigan ng biglang mawala sa grupo nila si Chase. Hinanap pa nga nila ito at kaagad din namang natagpuan sa may hindi kalayuan. Nakatayo ito at nakatitig sa isang mannequin na naka suot ng two-piece swimsuit.



QBMNG (BOOK 2) UNDER REVISION 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon