Chapter 2: Lady

3 0 0
                                    

CODY ATIENZA

Hindi ko alam kung paano kami nagkasundo na maghiwahiwalay para maghanap ng pwedeng matulugan at makain. Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta kaya naglakad lakad na lang din ako.

'Saan naman kaya ako kukuha ng pagkain dito?' Bulong ko habang sumisipa sipa sa buhangin. Ang ganda lang talaga dito. Tahimik tapos maaliwalas. Kaya lang kasi, wala kaming gamit, walang matutulugan, at mas lalong walang pagkain. Nakakabanas lang!

Aha! Sakto may nakita akong puno ng saging. Hinog na din ang bunga nito kaya swerte talaga.

'Mahirap pala ang ginagawa ko' Bulong ko na naman sa sarili ko. Napapansin ko na 'to lately eh, madalas ko na lang kausapin sarili ko. As if naman sasagot ka self? Sasagot ka ba? Ha? Ha? See? Ayaw niya sumagot.

Ano ba? Nababaliw na ata ako. Dami kong knows.

'Cody!' Tawag sakin kaya napalingon ako. Si Dude pala.

'Oh bakit?' Tinulungan niya naman akong manguha ng bunga nitong saging. May magagawa din naman palang matino itong taong 'to.

'Wala naman. Sa tingin mo, mahahanap kaya nila tayo?' Tanong niya na ikinatigil ko.

'Tiwala lang' ang tangi kong nasabi bago nagpatuloy sa pagkuha ng bunga.

Nang matapos naman kami ay nauna na kaagad siyang maglakad. Kita mo nga naman, galing mang-iwan. Paalis na sana ako ng may mahagip ang paningin ko. Tinitigan ko namang maigi kung ano yun at hindi nga ako nagkakamali. Isang babae ang nasa pampang 'di kalayuan sakin. Nakaputing bestida siya at may mahabang buhok na wavy. Nakatalikod siya sakin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Naglakad ako papalapit sa kanya. Anong ginagawa niya dito? Dito kaya siya nakatira? Matutulungan niya kaya kami? Malapit na ko sa kanya ng may tumawag na naman sakin.

'Cody! Bilisan mo naman!' Sigaw ni Dude.

'Mauna ka na!' Sigaw ko pabalik. Wala naman siyang nagawa kundi ang umalis na lang.

Nang ibalik ko naman ang paningin ko kung nasaan ang babae ay wala na ito. Lumapit ako kung saan siya nakatayo kani-kanina lang. Lumingon ako sa paligid at hinanap siya. Saan na yun nagpunta? Kanina lang nandito siya tapos nawala na kaagad.

Wala na kong nagawa kundi ang bumalik na lang din kung saan sila naghihintay. Lumapit naman ako kay Dude.

'Oy Dude!' Bati ko pagkaupo sa harapan niya.

'Oh, Cody?' Silip niya sandali bago ibinalik ang tingin sa cellphone niya.

'Hindi mo ba nakita yung babae kanina? Malapit sa pinagkuhanan natin ng saging?' Kumunot ang noo niya, tumingin ulit sandali tapos binalik ulit sa cellphone ang atensyon niya.

'Hindi. Nahihibang ka na ba? Walang ibang tao dito maliban satin' Sabi niya tapos mas lalong kumunot ang noo niya.

'Sigurado ka? Hindi mo siya nakita?' Tanong ko pa.

'Baka namamalikmata ka lang Cody, pagod ka lang' Saad niya. Naasar naman ako kasi tutok na tutok pa din siya sa cellphone niya.

'Ano bang ginagawa mo diyan sa cellphone mo?' Tanong ko bago umismid.

'Tinatry ko lang magtext. Malay mo magsend' Kulang na lang mapairap na din ako.

'Bahala ka nga diyan!' Sabi ko na lang saka kumain ng saging.

'Oh? Problema niyo?' Tanong ng bagong dating na si Camille.

'Eto kasing si Cody, nakakita daw ng babae kanina eh hindi ko naman nakita. Tinanong pa kung sigurado daw ba ko na wala akong nakita' Sabi niya. Lumapit naman kaagad si Phil.

'Ha? Ano yun? Baka makatulong siya satin! Dito ba siya nakatira?' Si Phil.

'Di ko alam. Hindi ko siya nalapitan' Sagot ko.

'Ano ka ba naman Phil! Sinabi na nga ni Dude na wala siyang nakita tapos nagtanong ka pa kay Cody!' Sabi ni Camille na siya namang kinontra ni Phil. Hinayaan na lang namin na magbangayan yung dalawa. Diyan ata sila masaya.

Pero sigurado ako, eh. Nakita ko talaga siya. Nakaputing bestida na mahaba ang buhok na alon alon. Siya yun.

TO BE CONTINUED.

Stuck In ParadiseWhere stories live. Discover now