NANGGIGIGIL na pinagpuputol niya ang maliit na stick na hawak niya saka nagbuga ng marahas na hangin. Kanina pa kasi siya naghahanap ng cellphone signal pero nangawit na ang kamay niya ay wala siyang napala. May importante pa man din sana siyang ibibilin sa nanay niya kasi matagal-tagal siyang mawawala. No doubt that Trevor does not have a single telephone in his house, let alone a cellphone. Kaya nitong mamuhay ng walang cellphone samantalang ang iba ay hindi. Wait, she thought. Walang signal ang cellphones pero sa telebisyon ay mayro'n? Diba dapat mayro'n din? Sa isiping iyon ay nabuhayan siya ng loob ngunit ang resulta ay gano'n din.
"Walang signal ng kahit anong cellphone network dito."
Nilingon niya si Trevor na nakasandal ngayon sa hamba ng pintuan ng bahay nito. She was out for like an hour, trying hard to find a signal, habang ito naman ay nagkulong sa kuwarto nito.
"Mabuti naman at lumabas kana mula sa lungga mo, sir," wika niya saka itinaas ang cellphone. "Maganda rin sa katawan ang masikatan ng araw paminsan-minsan."
Hindi nito pinansin ang patutsada niya. "Mapapagod ka lang sa ginagawa mo."
She sighed, lowering down her hand that's holding her cellphone on her side. "Wala talagang signal?"
"That's what I said earlier," sagot nito habang nakatingin sa kanya. His casual pambahay outfit really, really suited him, gaano man kasimple ang suot nito. Up until now, she cannot believe she's living with this man. Kahit na hindi intimate ang relasyon mayro'n sila ay tiyak niyang maraming mag-aasam na mga kababaihan na sana sila nalang ang nasa sitwasyon niya. "Hindi ka talaga nakikinig."
She shrugged, pocketing the cellphone. "Saan ako puwedeng magkaro'n ng signal?"
"Sa bayan."
Nanlaki ang mga mata niya. "Joke ba 'yan, sir? Paano kung magkaroon tayo ng emergency?"
Trevor just shrugged, took steps forward and sat on the wooden stool on his porch. "You need to survive no matter what," he seriously said.
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. He placed his saklay on the floor and tried moving his leg. He looked so sexy doing that. Humanga na naman siya sa simpleng galaw nito. He's now really messing up with her mental health. Kasi habang tumatagal na nakakasama niya ito ay mas lalo siyang napapalapit, kahit na madalas siyang sinusungitan at itinataboy. Kailangan niyang dumistansya kung gusto niyang buo pa siya kapag dumating ang araw na magaling na ito at kailangan na niyang umalis. O puwede rin niyang sulitin ito habang narito siya, madali lang namang mag-move on, 'diba? Ipinilig niya ang ulo at tumingin sa ibang direksyon para mabaling ang kanyang atensyon. See? She's beginning to have mental health issues because of him.
"May naiwan ka ba sa inyo na kailangan mong tawagan?" tanong nitong muli.
"Ano'ng ibig mong sabihin, sir?" naguguluhan niyang balik-tanong.
Hindi ito nakatingin sa kanya dahil mas interesado ito sa binti nito kaysa sa kanya. "Boyfriend, asawa?" walang anumang tanong nito.
Puno ng pagdududa ang tinging ipinukol niya rito, kapagkuwan ay nagpakawala nang mahinang tawa. "'Yan ba ang paraan mo para malaman kung mayro'n na akong boyfriend o asawa, sir?"
Trevor looked up at her with a deep knot on his forehead. "What do you mean? Tinatanong ko dahil puwede namang gawan ng paraan para makontak mo sila. Huwag mong sabihin na binibigyan mo nang ibang ibig sabihin ang tanong ko? If it's not important, forget it."
Aray ko na naman po! O, e, 'di napahiya ka naman ng bongga? Small voices in her head nagged at her.
Berry picked up a small stone and hurled it into a tree to hide her embarrassment. Isang nakakalokong ngiti ang naka-plaster na mukha niya nang muli niyang balingan. "Eh, ikaw sir, may girlfriend ka na rin ba?"
The look on his face made her realize something. Ay, tanga, hiniwalayan nga siya ng fiancee niya, diba nga? 'Yang utak mo, besh! Pakihanap!
Naging ngiwi ang ngiti niya, itinaas ang isang kamay sa ere at ikinumpas. "Forget it," panggagaya niya sa huli nitong salita.
Inihanda niya ang sarili sa anumang maging reaksyon nito, ngunit simpleng umiling lang ito at hindi nagsalita. Hindi ba ito galit? Not that she wanted him to shout at her or anything but definitely did not expect him to just coolly shake his head and say nothing. Napakurap siya. Nagbago naba ito sa loob lamang ng bente-kuwatro oras?
"You need to be careful with what you say, Berlin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay palalampasin ko ang mga hindi pinag-iisipang bagay," babala nito pagkaraan ng sandali nitong pananahimik.
Napalunok siya. His eyes pierced thru her, full of venom. She should looked away, pero nanatiling nakapagkit ang sariling mga mata dito. He looked really angry at ngayon niya lang ito nakitang gano'n.
Bumukas-sara ang bibig niya subalit ni isang salita ay walang lumabas. "Errr... ahm, siguro maglakad-lakad muna ako sir," sa wakas ay bigkas niya at hindi na hinintay ang sagot nito. She quickly walked away, escaping his burning gaze.
"Ang tanga-tanga mo, Berry!" inis na bulalas niya sa sarili nang makalayo siya. "Why can't just shut it up sometimes! Ipinapahamak mo ang sarili mo, eh! What if he really kick you out this time? Saan kana ngayon pupulutin? Sayang ang dalawang taon na pagta-trabaho mo sa ospital kung sa huli ay magkakaro'n ka nga hindi magandang record!" Pinagsisipa niya ang mga damong nadadaanan. "Esssssh! Tanga, tanga, eng----" Natigil siya sa paglalakad ng makarinig siya ng mahinang ungol sa di-kalayuan. Kumunot ang noo niya at nagpalinga-linga. The whimpering sound was becoming louder. Curious, she tried to find where it was coming from. Her feet willingly stalked the sound into the tall trees and dense bush. Habang papalapit siya ay lumalakas ang tunog. She'd a feeling that it was a puppy.
Sino ang walang pusong nilalang ang aabandona sa alagang aso sa lugar na ito? tanong niya sa isip. Hindi niya maitatangging mataas ang animal cruelty sa Pilipinas, but leaving a puppy in the middle of wilderness is just stupid and much cruel. Hinawi niya ang mataas na damo and sure enough, there was a fluffy small dog hiding, ngunit hindi lang isa ang nando'n kundi dalawa. Nagsisiksikan ang mga aso upang itago ang mga sarili sa mataas na damo. Kulay abo at tsokolate ang mga ito. Her heart became mushy and went all out to the poor puppies. Small cries were heard as she picked them up, cradled them into her arms.
Naiiyak siya dahil ramdam niya ang panginginig ng katawan ng mga aso. Dogs held a big portion of her heart kaya hindi niya kayang pabayaan na lamang ang mga ito. They may be scared to death, well, they won't be able to defend themselves if some bigger animals attack them. Hinaplos-haplos niya ang mga ito at nagmadaling bumalik. Saka na niya iintindihin ang sitwasyon niya kay Trevor, ang mahalaga ay mailagay niya sa ligtas na lugar ang mga aso.
😤 It's sad but it's true. People do neglect their animals. But hey, they're still another living creatures just like us. So, shout out to those who do not hesitate to lend a helping hand in every animal they think needed help. God bless you!
Realice

YOU ARE READING
Her Boss' Broken Heart And Broken Leg
RomanceBoss Series #2 TREVOR: Her Boss' Broken Heart And Broken Leg Trevor felt like crap when his fiancee decided to broke off their upcoming wedding because she unintentionally fell into someone else. As a result of that unlikely news, he drowned himself...