Chapter 5: Repertory Club

31 6 0
                                    

                          ::Lexie::

Kinabukasan...... Sumabay na ako kay Stacey dahil siya palang ang kilala ko dito at hindi ko din alam yong mga rooms at buildings dito. Well...... wala na din akong balak na maghanap ng iba pang kaibigan.

Why?

Simple. Dahil andaming weird na tao dito. As in pag sinabi kong madami... madami talaga!!! Mahirap na baka mahawa pa ako.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa nagtataasang building dito sa school.

Seryoso... School ba to or city?! Hibdi na yata ako magugulat kapag may mall din dito.

"Lexie" tawag sa akin ni Stacey.
"Pwede mo ba akong samahan sa mall later?" Akala ko kung ano nanam- WAIT!! MALL?!

"Mall?! Dito sa school?!" gulat kong tanong dito.

"Yeah why not?" sagot naman nito sa akin.

Seryoso ba sila?! As in?! So tama ako kanina?!

"O-okay s-sure" Nauutal kong sagot dito. Hindi parin ako makapaniwala dahil sa sinabi nito. What will happen to the students here? Siguro maraming nags-skip class dito.

"Marami b-bang nags-skip class dito?" At bakit tinanong ko pa?! Seryoso ba ako?!

"Well..... konti lang ang sumusubok na magskip class dito." sagot nito na sadyang ikinagulat ko naman.

"Bakit naman? May mall naman dito."

"Uhm... lahat kasi na nags-skip class dito ay n-nawawala"

WHAT?!

"May a-alam ka ba t-tungkol dito?" tanong ko sa kanya. Ewan ko ba pero mas naging interested ako sa school na ito.

"Sabi nila... Ito daw kasi ang parusa ni Master F dito. They call it Prisoner's nightmare." sagot naman sa akin ni Stacey. Prisoner's nightmare..... Parang narinig ko nayan ah.

"Who's Master F?" nagtatakang tanong ko dito.

"Only few knows him... And I am one of them. Pero hindi ko pwedeng sabihin sayo. Maybe i'll tell you later. Yung tayong dalawa lang." Pabulong na sagot nito sa akin.

Pasalamat lang talaga ako at hindi siya napapagod sagutin ang tanong ko. Pero bakit kailangan na mamaya pa. Masyado ba itong confidential?
Nevermind...

                       ::Stacey::
Kailangan ko ba talagang sabihin ito kay Lexie?

Nakarating na kami sa building namin at kasalukuyan kaming nasa elevator papuntang 11th floor. Dito sa building na ito matatagpuan ang iba't ibang non academic club at napagdesisyonan namin ni Lexie na sa Repertory Club na muna kami sasali kung saan matatagpuan ito sa 11th floor.

Mandatory kasi ang pagsali sa club kaya kailangan talaga naming sumali. Nang makaakyat na kami sa 11th floor, hinanap na kaagad namin ang clubroom ng repertory club.

Ang creepy kasi dito. "Wahhhh!!!" napasigaw ako ng kalabitin ako ni Lexie. "Sorry" paumanhin ko sa kanya.

Tinignan ko siya ng huminto siya sa harap ng isang puting pintuan.

"Ah eh nandito na kasi tayo kaya kinalabit kita." paliwanag nito sa akin.

We both looked at the sign on the center of the door. Repertory Club ang nakasulat dito.

                       ::Lexie::

Pumasok na kami sa loob. Guess what...wala pang tao dito. Nakaramdam naman ako ng inis dahil feeling ko tamad ang mga members na nandito.

"Do you think tamad sila?" tanong nito sa akin.

"Yeah" sagot ko naman sa kanya.

Pero feeling ko hindi naman talaga sila tamad. Why? Ang linis kasi dito sa loob. Parang araw araw nila nililinis. Plus, nakabukas pa ang chandelier nila.

Yes, meron silang chandelier sa loob ng clubroom nila. Nakita ko namang tumayo si Stacey kaya tinignan ko na lamang siya.

Nag ikot ikot muna siya sa loob tapos tinignan niya yung mga paintings.

"Ang ganda nila no?" pabulong niyang sabi pero sapat na para marinig ko. Tinutukoy niya siguro ang mga paintings na nasa walls. Tama ang ganda nga nila.

Tumayo na din ako at tinignan din ang mga ito.

"How sad..." Tinignan ko naman ang tinutukoy niya.

She's right. Nakakaagaw pansin ito. It is a painting of mother leaving her child. Naalala ko tuloy si mama. I wonder if based sa mga napagdaanan ng painter ang nagpaint nito.

Binuksan ko naman ang door na may sign na cr. Naiihi na ako eh. Plus kanina pa akong hindi nagcr. Binuksan ko na ang cr. Ngunit nang buksan ko na ang ilaw ay takot na takot ako nang makita ko ang isang bangkay ng lalake.

"Yahhhhhhhhhh!!! Help! Help!"

7 Achy Steps Where stories live. Discover now