Prologue

551 6 0
                                    

Love

what is love? nakalimutan ko na kasi ang ibig sabihin ng Love. I'm lost, I'm broken but I can't fix myself.

Ilang taon din akong nakatunganga at patuloy na nasasaktan, Iniwan ako ng walang dahilan!

Gago nakakagago, Ano ba ako sakanya noon? pampalipas oras? Bakit? Minahal niya ba ako? hayy

"Lapitan mo na kasi, ganda nyan pre jackpot ka dyan" pangungulit sakin ni Jhong, naandito kami sa isang Bar sa Makati upang maka move-on! punyetang buhay 'to oh!

" Tangina naman pre! 'Di ko kailangan ng babae, kailangan ko si Anne!" sigaw ko kay jhong sabay inom ng alak, Oo si Anne lang, si Anne lang kailangan ng puso ko.

" Pre puro nalang ba si Anne? Paano naman yung ikaw? paano sarili mo?" Sagot naman sakin ni jhong, Oo tama siya pero wala e, Pinipili paring maging tanga at bulag ng puso ko.

Ganyan lang naman naranasan ko makalipas ang Dalawang taon na paghihiwalay namin ni Anne, pero sa ngayon 'di ko muna masasabi na okay na ako, siguro nga? baka? pero sa tingin ko may konti pa, Oo may pagmamahal pa ako sakanya. Diba ang tanga lang?

Ano ba ang kasalanan ko sa mundong ito? Na lahat nalang ng minamahal ko, lahat nalang iniiwan ako.

'Di pa ba ako sapat? 'di ba ako kamahal mahal?

Naaalala ko pa lahat ng sinasabi saakin ni Anne. Lahat ng aming Pangarap at kanyang pangako at mga katagang....Mahal niya ako. 'Di niya kayang mawala ako.

Pero eto ako ngayon. Nagtataka, Nagtatanong kung Minahal niya ba talaga ako.

Na kung bakit niya sinabi na 'di niya kaya mawala ako? Kung sa huli siya rin pala 'tong mangiiwan.

Siya rin pala ang Papako sa mga pangako.

What About US?!?Where stories live. Discover now