Chapter 7

3.6K 91 0
                                    

EDITED...

☯︎☘︎☯︎

Chapter 7

Third Warning

Third Person Pov.

Kinabukasan

Kasalukuyang naghahanda si Yelena at ang mga kaibigan nya para sa klase nila ngayong biyernes.

Pero dahil sa makupad si Yelena sa paggawa ng daily routine n'ya ay nagpaalam na sa kanya ang mga kaibigan n'ya na mauuna na sila sa kanilang classroom.

Pumayag naman si Yelena dahil ayaw nyang madamay ang mga kaibigan nya na malate sa klase ng dahil sa kanya.

She accelerated her action so that she could catch up with their class.Pero kahit anong bilis ang gawin niya ay laye padin siya sa klase nila.

Naglalakad na ngayon si Yelena ng mag-isa dahil late na sya sa pangatlong subject nila,kaya hihintayin na lamang nya ang kanyang mga kaibigan sa labas ng room ng mga ito para sabay sabay na silang kumain ng lunch.

Naglalakad lamang siya ng may maramdaman siyang kakaiba pero huli na ang naging pag-iwas niya dahil may pumatid na sa kanya na naging dahilan kung bakit sya nadapa at nangudngud sa sahig.

Napaungol siya sa sakit na natamo.Nahihilo dahil sa biglaang pagbagsak niya sa sahig.

Hindi pa sya nakakarevover sa sakit ng kanyang pagbagsak ay may humila na sa kanyang buhok pataas dahilan para makita nya kung sino ang pumatid at sumabunot sa kanya.

"A-araay,bitawan mo nga ang buhok ko m-masakit" pagmamakaawa ni Yelena sa mga alipores ni Precious. They're doing it again.

"This is the third warning Yelena and this is the last one because I will make sure you get expelled from this school." nakangising saad ng nakasabunot sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Yelena ng makitang papalapit sa kanya ang dalawa lang kasama ng babaeng nakasabunot sa kanya.

Napahiyaw siya sa sakit ng bigla siyang sampalin ng babaeng kaharap niya hanggang sa malaman na lang niya na sinasabunutan na din siya ng dalawa pang kasama nito.

Binugbug,sinipa sipa,kinalmot at kung ano ano pa ang ginawa nila kay Yelena.

Napaiyak na lamang si Yelena dahil sa sakit ng nararamdaman nya.Halos hindi na siya gumagalaw dahil sa pagkamanhid ng katawan niya.

Nagalit siya sa sarili,dahil 'di nya pwedeng labanan ang mga ito kahit kaya naman niyang protektahan ang kanyang sarili gamit ang tinuro ng kanyang tita.

Pero dahil sa galit nya ay may nararamdaman syang majica na dumadaloy sa kanyang katawan papunta sa kanyang palad.

Pinipilit nyang wag ilabas ang majica nya dahil baka makasakit sya ng kapwa nya ay hindi nya rin ito napigilan.

Nag aalala sya na baka makasakit sya pero ng dahil sa galit nya ay bigla na lamang tumalsik ang tatlong babae na nakadagan sa kanya.

Nilamon sya ng kanyang emosyon at hindi nya na kinaya ang ginagawa sa kanya ng mga ito.Ang pinakatago tago nya at ng kanyang tita'ng sekreto ay nabunyag na.

Tumayo sya sa pagkakahiga at nakita nya ang tatlo na kaninang nananakit sa kanya ay nakalumpasay na sa sahig na wala ng malay.

May sugat sa bandang tyan na dahil sa hindi kapansin pansing maliliit na yelong nakatusok dito.

Kinabahan sya sa nangyari.Lalo na ng makita nya ang mga ibang estudyante na nakatingin sa kanya na may takot sa mukha.

Mukhang recess na dahil nasa labas na ang mga estudyante,hindi niya lang ito napansin.

Nakita nya rin ang mga kaibigan nya na nakatingin sa kanya na bigla na lamang napaatras ng mapatingin sya dito.

Hindi niya na maramdaman ang sakit ng pagkakabugbog sa kanya at nang tingnan niya ang braso na may kalmot ay nanlaki ang mata niya ng makitang unti unti itong naghihilom.

Nagsinghapan ang nakakita at lalong lumayo sa kanya.

Natatakot sya na baka layuan sya ng mga kaibigan niya.

Natatakot sya sa sasabihin ng tita nya sa nangyare

At..

Natatakot sya sa pwedeng mangyare sa buhay nya.

☯︎☘︎☯︎

シ︎

Enchanted Academy:The Powerful Fantasia Princess (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon