CHAPTER FOUR

200 14 2
                                    

CHAPTER FOUR - Simon

 Simon's Perspective

"Captain! Anong nangyari sayo?" Tanong ni Jens. He is one of my friends.

"You committed suicide again?" Si Chris naman ang nagtanong. "Kelan ka ba talaga titigil sa pagtatapon ng buhay mo?"

"Kapag patay nako." Walang gana kong sagot.

"Captain, ano ba talagang balak mo? 3 taon nang patay si Leane at tatlong taon kana ding sumusubok na sumunod sa kanya. Hindi mo ba naisip na may purpose sayo. Na may misyon kapa kaya hindi ka namamatay?" litanya ni Dylan.

"Misyon? Hahahaha anong klaseng misyon? Ang alam ko, nag iisa lang ang misyon ko. Yun ay ang mahalin si Leane habang buhay. Nung kinuha sya sakin, wala na akong misyon. Kaya wala na ring silbi kung mabubuhay pako. Nagsasalita kayo ng ganyan, bakit alam nyo ba yung pinagdadaanan ko? Alam nyo ba kung gaano kahirap mabuhay na walang dahilan?" Sabi ko at lumabas ng hospital room .

Ako si Simon Emmanuel Go. Sa edad na 19 ay gusto ko nang mamatay ginawa ko na rin lahat ng paraan para mawala.

Sumubok akong magbigti, kaso napatid yung lubid kaya pilay lang ang inabot ko.

Sinubukan kong maglason, pero wala rin. Vitamin C ang nainom ko imbes na tranquilizer.

Ilan lang yan sa mga sinubukan kong paraan para mamatay kaso wala. Wala pa rin. Nitong huli lang ay sinubukan kong magpasagasa sa truck. Kaso lang e may tumulak sa aking babae at nawalan lang ako ng malay kaya ako nandito sa ospital.

Sino ba naman kasing di maiinis at maiiisipang magpakamatay sa sitwasyon ko? Iniwan ako ng tatay ko sa nanay ko noon. Gabi gabi ko syang nadidinig na humihikbi dahil sa ginawa nya. Dahil dun ay nagkasakit si Mommy. Causing her to die on my tenth birthday. Ang araw din kung kelan ko nakilala si Leane. Siya yung nagbigay ng pag asa sakin noon. Hindi ko inakalang isang araw e mamamatay lang sya.

Nung mawala siya, nawala na rin sakin ang lahat. Sinubukan ko lahat ng di kanais nais at itinapon ko na rin ang buhay ko. What's the sense of being alive if the only reason for living is already gone?

kumuha ako ng sigarilyo at sinindihan. May bago akong naisip na paraan para mamatay.

Patalon na sana ako sa rooftop nang biglang may tumawag sakin.

"Simon!" Napalingon ako. At nakakita ng isang babaeng maputla. "I am a ghost. And I'm here to help you."

SECOND CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon