Chapter 51 (Games)

9.4K 229 175
                                    

Sky's POV

After nung nangyari kahapon saamin nila elaine at irish nag-iba ang tingin saakin nang mga tao isa daw akong mabait pero kapag ginago, nagiging gangster at walang inuurungan. Hanga silang lahat saakin kaya natutuwa ako dito, baka ni minsan walang gustong kumalaban saakin pero maliban nalang sa mga baliw na GSD at sa abnormal na elaine.

Nandito kaming lahat nang mga students sa SU para sa program namin. Hindi ko nakita si elaine ngayon pero narinig ko kanina na nasa clinic siya nang hotel nagpapagaling at nagpapahinga dahil sa saksak na ginawa ko kahapon. And si irish naman ito, nakatingin nanaman nang masama kahit may mga pasa na ito sa katawan at mukha niya pero ngumiti lang ako dito sabay irap niya kaya napangisi ako at tinuon ko nalang muli ang atensyon ko kila xander na naglalaro nang jack n poy. Sa kalagitnaan nang tawanan namin dahil sa laro nang bsg biglang nagsalita ang prinicipal namin ang tita ni xander kaya nakinig muna kami dito.

"Let's start the program" ani niya kaya nagsigawan naman ang mga tao dito

"What kind of program is this ma'am?" tanong nang isanf istudyante dito

"A simple program. Maglalaro lang tayong lahat dito para naman mabuhayan kayo at para hindi kayo maboring. So, let's start" sagot niya kaya nag-agree naman kaming lahat kaya bumaba na siya sa stage at binigay ang mike sa isa sa prof namin

"Thankyou ma'am" sabay tingin niya sa principal namin "okay, ang unang laro natin is paper dance!" ani nang prof namin kaya nasiyahan naman kaming lahat dito

"Get your partner now!" sigaw niya

Kumilos na silang lahat para kumuha nang partner si kieah at si kate ang magpartner

"Ang daya niyo naman e! Dapat tatlo tayo" isip bata kong sabi sakanila

"Duh bes, hindi pwedeng tatlo dapat dalawa lang. And nandun si xander oh? For sure partner kayo niyan" sagot ni kate

"Oo nga. Go! Puntahan mo na bahala ka maunahan kapa dyan ang dami pa naman naghahangad sakanya na maging partner siya" ani ni kieah kaya lumakad na ako papunta kay xander

Habang papalapit ako sakanya may babaeng yumakap dito kaya nanlaki ang mata ko pero hindi ito niyakap ni xander.

"Can you be my partner? Please?" sabay puppy eyes nang babae kaya napairap ako

"Sorry, may partner na kase ako e. Yung girlfriend ko, si Sky" sagot ni xander

"Tss. For sure may partner na yun, kaya tayo nalang" ani nang babae

"Sorry talaga miss. Humanap ka nalang nang iba" ani ni xander kaya napangiti ako

"No" pagtanggi nang babae

Sakto naman na dumating ang isang prof namin papunta kila xander

"Okay na ba kayo sa partner niyo?" tanong nang prof namin sasagot sana si xander pero inunahan siya nang babae

"Opo, okay na po" sabay ngiti nang babae

"Okay. Good" ani nang prof namin at pumunta naman siya sa ibang may partner kaya walang nagawa si xander kaya umatras ako

Habang nilalaro ko ang daliri ko may umakbay saakin at pagtingala ko nakita ko nanaman ang maamo niyang mukha na nakatingin saakin

"Tayo nalang magpartner. Okay ba sayo yun?" tanong niya saakin

"Pero, nakita ko ang daming babaeng pumupunta sayo kanina para maging kapartner ka" ani ko

"Tinanggihan ko sila at buti nalang hindi pa nakakatating si Sr.Reyes sa pwesto namin kaya tumakas ako at pinuntahan ka dito para maging kapartner mo" sabay ngiti niya saakin nang malapad kaya napangiti din ako

Stonyhurst University(School of Gangster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon