Chapter 4

465 14 1
                                    


General PoV

Nalungkot naman si Vice sa sinabi ni Karylle na layuan si Jaki. Naiisip tuloy ni Vice na parang walang tiwala sa kanya ang kasintahan pero, gagawin nalang niya ito kahit masakit sa kalooban para maka-iwas away sa kanilang relasyon.

Karylle PoV

Nang makarating na sila sa bahay ni Karylle ay agad niyang tinanong si JM.

"Ano JM, gagawin mo ba yung sinabi ko, na lalayuan mo si Jaki?"

"Mahirap pero gagawin ko, Bb. Kurba."

"Mabuti kung ganun, tandaan mo, marami akong mata sa Wit Lang University."

"Opo Bb. Kurba."

Vice PoV

Gusto kong itext si Jaki kaso bantay sarado ako kay Karylle. Nakabuntot sakin at laging tinatanong kung ano ang ginagawa ko. Labag man sa kalooban ko ang gawin un pero dahil mahal mo ang isang tao, gagawin mo kahit masakit.

- Makalipas ng 2 linggo -

Nakita niya si Jaki na naghihintay sa kanilang hintayan.

"Hi Vice." Nakangiti ng tinawag ang binata.

Tanging ngiti lang ang ganti lagi ni Vice kay Jaki.

Nang makarating na siya sa classroom nila ay bahagya lumayo ulit ng pwesto si Vice kay Jaki at tumabi kay Jhong.

"Bat lumayo ka na naman ng pwesto kuys?" Sabi ni Jhong

"Ah, wala lang kuys. Sabihin ko sayo mamaya, sabay tayo ng recess ah."

"Sige ba, mukhang importante yan ah."

"Sobrang importante kaya kailangan ko ng tulong niyo sa barkada."

U.T.I - Umasa Tapos Itinadhana (ViceJack)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon