Kabanata 33

1.9K 42 5
                                    

"The supreme art of war is to subdue the enemy without fighting."

*******

Kabanata 33

Sydney's Point of View

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakarating ako sa Pugad, La Union. Nagpunta kami dito kasama si Kingsley noon for family trip ngunit malaki ang pinagbago ang lugar. Mukhang renovated ang lugar. Mayroon ring nadagdag na zipline.

Maaga pa lang ay nakarating na kami. Agad na tinungo ni Reed ang front desk para makabayad ng entrance fee. Niyakap ko ang sarili ko. Wala akong ideya kung bakit kami pinilit na mamasyal ni Reed. For him, perfect time ang pagpunta ni Daddy sa Italy kasama si Renzo. Sa tingin ko, Renzo now takes Reed's former position.

"Want to try zipline?" Natawang sinabi ni Reed matapos magbayad.

"Why not use this chance as a way of seeing him?" Sa halip ay tanong ko sa binata, hindi binasag ang pinukol kong tingin sa kanya. He was always the one that had answers, the one I somehow trusted the most.

Narinig ko ang buntung-hininga ni Nina, ang nakababatang kapatid ni Noah. "No, Sydney." Ang lamig ng kanyang boses ang dahilan kung bakit nalipat ang tingin ko sa rito. Pinukulan ko siya ng nahihiwagahang tingin. Nagtataka dahil ito ang unang pagkakataon na kinausap niya ako. I have that feeling that she doesn't like me that first we met two years ago.

"Paano mo ipapaliwanag sa kanya kung sino ka? Hello, I'm Sydney your ex wife and oh my father ordered to kill you by using your former friend, Noah. Ganoon bang eksena, Syd?" Sarkastikong pahayag ni Nina.

Everyone glanced to Nina in silence. Tiningnan ko si Kara and she looked like she was lost, hindi ko siya masisisi. Sa kabilang banda, sina Reed at Noah ay mukhang naunawaan ang bawat salitang binitawan ni Nina. Naiintindihan nila iyon at ganoon din ako pero magkagayon man ay hindi sumagi sa isipan ko ang sumuko.

"Wala akong pakialam." Maliwanag kong sinambit ngunit ng marinig iyon ni Reed ay biglang naningkit ang mga mata nito. With those cold ocean eyes that held that threat, fury and warning in them. Pero wala akong pakialam.

Nagtaas na lang ng kilay si Nina sa akin at tinitigan niya ako.

"Sydney." Ang malamig na tinig na iyon ni Reed ang dahilan kung bakit parang nagningas ang mga mata ko. "I said no. End of story." Napatingin ako sa kanyang muli.

Lumipat ang tingin ko kay Noah, looking for some kind of a complain. Gusto kong panigan niya ako dahil alam kong kaibigan nito si Hendrix. We all want H back, at hindi ko alam kung bakit kalmado lang si Reed sa panahong ito.

"Reed." Sabi ko, looking back at him as I felt everyone's eyes on me. "Baka ito na lang ang chance natin para makita si Hendrix." I said quietly, hindi matigil ang sarili sa isang lugar. Tumitig siya sa akin at hindi ko sure kung gusto niya ba ang suhestiyon ko. Kung nagdadalawang-isip ba siya o maririnig ko na naman ang matigas niyang "NO."

Pinokus ko ang atensyon sa kanya sa loob ng ilang segundo. Batid kong aware si Reed na nagmamakaawa na ako sa puntong ito. I accepted the training because I knew I was one step closer to Hendrix that way.

Sa unang tingin ay kapuna-puna ang hesitation sa mga mata ni Reed. Pero bigla-bigla ay napalinga ito sa ilang turista na abala sa pagmamasid sa kabundukan ng lugar. Para bang may nakita itong kakilala.

"Bakit?" Tanong ni Noah.

They exchanged odd look between each other.

Mayamaya lang ay nakihalubilo na ito sa gitna ng mga tao. Para bang may hinahanap.

So I Married The Mafia Boss 2: SymbiosisWhere stories live. Discover now