Tula #46

144 3 0
                                    

(Alam mong ikaw ang laman ng tula na ito.
Sa tugtog pa lang ng musika,
Alam mong alay sa iyo ang mga liriko nito.
Magkasama, sa lungkot at ligaya, panahon na mahal na mahal ka pa.

Alay ko sa iyo ang tula na ito dahil kaarawan mo. Nakangiti akong kumakaway, bumabalik sa panahon... na hinding-hindi ko malilimutan ang ating pinagsamahan. Alam kong masaya ka na, sa piling niya, kaya magiging masaya na rin ako, sa piling ng mga pangarap ko.)

Titulo: Para sa paborito kong ex-boyfriend

Ilang beses ko na isinulat.
Istorya nating dalawa.
Sa tuwing maaalala,
Ikaw pa rin ang paborito kong pahina.

Mula sa unang beses na tayo'y nagkita.
Hanggang sa muli't muling nasundan pa.
Nakakatuwang mga alaala,
Kay sarap balikan parang nanariwa pa.

Tignan mo ang araw,
Hindi na ito bumabalik sa nakaraan,
At nakangiti na lamang sa kasalukuyan.
Pero heto ako ngayon, ngumingiti pa rin sa ating nakaraan.

Hinding-hindi ko malilimutan kung paano ka minahal.
Pinaglayo man tayo ng kilometrong daan.
Nanatili tayong magkasama kahit malayo sa piling ng isa't isa.
Alam ng puso kung saan lang ito liligaya.

Ikaw ang sumalba sa puso kong nalulunod na.
Ikaw ang nakahanap sa puso kong nawawala na.
Ikaw ang nagmahal sa puso kong wasak na.
Ikaw ang nagpatahan sa puso kong puno na ng luha.

Sa pag-aayos mo ng buhay ko,
Inayos mo rin ang pag-iisip ko.
Na ang aking pangarap ay siyang nais ko.
Ang nais kong unahin higit kanino man --o anu pa man.

Sa pagsasakripisyo ko sa pagmamahal mo.
Sa buhay na pilit kong tinatahak para matupad ang pangarap ko.
Hindi ko akalain na malilimutan ko, pag-ibig mong naisantabi ko.
Nakalimutan kong may naghihintay pala ng mga tawag ko.

Sa pag-abot ng pangarap,
Pag-ibig mo ay hindi na naharap.
Nabuo ang tampuhan,
Nauwi sa hiwalayan.

Akala ko, ayos lang mawala ka.
Iniwasan pa nga kita.
Pero hindi mo alam, ang sakit-sakit na--
Na hindi ko pala kaya na wala ka.

Kinaya kong tiisin ang sakit.
Masabi ko lang na hindi ako apektado ng mga pait.
Nanatili sa kinalalagyan, piniling ikaw ay talikuran.
Pinaniwala ang sarili na mas kailangan kong layuan ka.

Ngunit aaminin ko,
Alam kong nagkamali ako.
Sa pagpili ko ng sarili ko.
Sa panahon na litong-lito ako.

Magkasama tayong nangarap.
Para magkasama tayong haharap.
Sa pagbuo ng ating mga pangarap.
Magkasama hanggang sa dambana, ako na ang iyong ihaharap.

Hindi naman kasi lahat ng pangarap,
Sadiyang natutupad.
Mayroong pangarap na nakatakdang maganap.
At may pangarap na nakatakdang hindi matupad.

Sa mga araw na patuloy na ating nasisilayan,
Gusto kong malaman mo,
Natupad ko na pangarap na binuo sa tabi mo.
Kaya heto, kumakaway ako sa iyo.

Kung alam mo lang na ikaw pa rin ang dahilan bakit nagsisikap.
Ikaw ang simula ng aking pagtanggap.
Sa pangarap na ako na lang ang tumupad.
Marahil hindi lahat sa akin ay laan na ngang talaga.

Salamat sa mga alaala.
Naging tunay na masaya nang makilala ka.
Ikaw ang araw sa kalangitan na nagdala ng kaligayahan.
Pinasigla mo ang mundo ko at nasilayan ang tunay na makulay na buhay.

Salamat sa ating nakaraan.
Sa aking paglingon may nakita akong taong tunay na nagmahal.
Higit pa sa kaya niyang ibigay, para sa akin na tunay niyang minahal.
Kahit sariling kaligayahan, makita lamang na abot ko na tala na atin noon ay sabay na pinangarap.

Kahit sariling kaligayahan, makita lamang na abot ko na tala na atin noon ay sabay na pinangarap

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Savageblossom
Wattpad2018
All Rights Reserved
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏

Tula Ng SawiWhere stories live. Discover now