Chapter 13. Sacrifice

123K 4.5K 520
                                    


"Sandali." Tawag ni Warren. "Jave owe us this one. Sasama kami."

Halos namanhid na ang buong katawan ko sa kaba kaya nagpatianod nalang ako sa mga susunod na mangyayari. Ang alam ko lang, hindi ako pwedeng magpatalo sa kaba. Minsan man lang mapatunayan kong mahal ko si Jave at gagawin ko ang lahat para sa kanya. Hindi ako natatakot sa kanya anuman ang nakaraan niya, sinuman ang mga kaibigan niya tanggap ko itong lahat. And I can't wait to tell him what I exactly I feel right now. I can't wait to hug him and calm him from all these stress going on. Kung hindi naman dahil sa akin, hindi aabot ang lahat sa ganito.

Isang grupo ng mga motorsiklo ang kasama ko. Nakasakay ako sa kotseng minamaneho ni Jiro, samantalang nakaangkas si Ark sa motor ni Warren. Hindi ko alam kung anong klaseng giyera ang pupuntahan pero alam kong nakatago sa motor ng bawat isa sa kanila ang kaniya-kanyang sandata. Napalunok ako. Naghuhumiyaw na sa kaba ang puso ko. Pero kailangan kong gawin to para kay Jave.

Pumasok kami sa isang madilim at abandonadong underground pass. Hindi ko alam na may ganitong lugar sa Metro Manila. Napakalawak ng lugar, natatanglawan ng mga malalaking poste ng ilaw na tila sila-sila lang ang gumawa. Puno ng usok ng motor sa paligid. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok narinig ko na ang ingay ng mga nagsisigawang kabataang lalaki. Halos lumabas ang puso ko sa dibdib nang mamataan ko ang dahilan ng sigawan. Nasa gitna si Jave, duguan at isa-isang sinusugod ng mga kalaban.

Kahit duguan ito at naliligo sa pinaghalong dugo at pawis, panay nagsibuwalan ang mga kalaban. Pero halata sa mukhang pagod na pagod na siya.

"Tarantado bakit siya sumugod ng mag isa dito!" walang tigil ang mura ni Jiro. Nagmamadaling pinarada ang sasakyan at kinalas ang seatbelt. "Stay here. Tinted ang kotse hindi ka nila makikita. Hindi ka nila pwedeng makita--"

"Pero si Jave! Sasama ako--"

"God damn it, Sofia! It's dangerous for you out there. You listen to me when I say it!"

Napaiktad ako sa biglang pagbulyaw ni Jiro sa akin. Bumukas sumara ang kamay nito sa pagpipigil. Halatang kinakalma ang sarili. "I'm sorry." anito.

Yun lang at tumakbo na ito pagkalabas ng kotse hawak ang baseball bat na galing sa likod ng sasakyan. Sinubukan kong kalasin ang seat belt ko at lumabas ng sasakyan pero hindi ko nagawa. Nakalock iyon. Hindi ko na makita si Jave, nagkariot na ng dumating at sumugod ang grupo nila Jiro.

Nanginginig na ako sa kaba. Walang tigil ang iyak ko. Jave nasan ka na ba? Ano ba tong kalokohang ginagawa mo? Walang patid ang dasal ko, dahil yun nalang ang magagawa ko. Parang babaliktad na ang sikmura ko sa kaba, sa takot at sa sobrang pag aalala.

Pagkatapos ng halos isang oras, the crowd dispersed, yung ibang nakakapagkalad at nakakakilos pa ng maayos ay sumakay ng motor, yung iba patakbong tumakas habang ang karamihan ay gumagapang. Una kong nakita duguan ang magandang mukha ni Ark, sunod si Jiro na may sinisipa pang kaaway kahit na nakahandusay na.. si jave. Nasan si Jave...?

Narinig ko ang sunod-sunod na katok sa bintana ng kotseng sinasakyan ko. Kamay palang alam ko nang si Jave iyon. Lumukso ang puso ko. Hawak niya ang control ng kotse ni Jiro. Nang subukan kong buksan ang pinto at bumukas na iyon. Kaagad ko siyang sinalubong ng yakap.

"Jave! Oh Lord! Anong nangyayari sayo, bakit ka nagkakaganito??" humihikbi kong turan. Mahigpit ang yakap ko sa kanya wala akong pakialam kung napunta na sa leeg at damit ko ang dugong nanggagaling sa ulo niya. May hawak pa siyang kadena. Binitiwan niya lang iyon ng yakapin ko siya.

"Sumama ka sakin." malamig ang tono ni Jave. Mabangis ang mga mata kahit sa akin siya nakatingin. Ito ang unang beses na naramdaman kong ibang tao siya. Nanginig ang tuhod ko sa simpleng imbitasyong iyon. Alam kong namutla ako.

She's The Bad Boy's Princess IIWhere stories live. Discover now