Dorm 1

405 5 0
                                    

Nangyare to nung MARCH.  Dahil natanggap nako sa bago kong trabaho bagong pakikisama at bagong field nanaman ang aaralin ko.

Isa sa mga requirements ang mag training sa kanila sa loob ng 2 months.  At first medyo natatakot ako kasi may kalayuan pero ok lang para sa ekonomiya naman. Kaya sige lang ako sa pag impake ng gamit.  Ilang linggo nalang mag sstart na yung training ko kaya kinundisyon kona ung sarili ko at syempre dala ko ung mahiwagang rosaryo ko.

After a week....

Nakarating na din ako sa pag ttrainingan ko luckly may palibreng dorm naman sila kaya natuwa na ako...  Pag tungtung ko palang sa pintuan naramdaman ko ung init ng kwarto na siyang sumalubong sakin.  After ko maibaba ung mga gamit ko nakita ko ung aircon so binuksan ko siya. And ung dorm nga pala namin isang mahaba na puro double deck  mga 10 na double deck siya.  Nakahiwalay yung babae sa lalaki pati yung cr.

Pag bukas ko ng pintuan ng cr nakita ko na may kalakihan 3 shower room ska 3 dressing room 4 na lababo. Then bigla nalang sumulpot ung babae medyo kinabahan ako, yun pala kasamahan ko lang siya..  Hanggang sa nag kwentuhan nalang kami  tapos sabay kaming pumunta sa training room namin.

Pero during sa training mabigat ung pakiramdam ko  baka kako dahil lang sa biyahe.   Ang pasok namin. 8-5 pero before 8 dapat andun kana kasi free breakfast. Pagkatapos ng pasok namin dahil first day syempre pagod kaya pag dating sa dorm nakatulog na ako agad,  akala ko nun mag tutuloy na yung tulog ko pero nagising pa den ako ng alanganing oras 3am medyo nagugutom ako. Kaya naman nag cr ako non medyo dulo na ung kama ko malapit sa pintuan palabas kay naman halos lahat ng kama nadadaanan ko pag mag cr ako.  Ewan koba kung bakit bumigat nnaman ung pakiramdam ko pag labas ko ng cr sabi ko itutulog ko nalang.  Pero naalala ko may tinapay nga pala ako sa bag kaya naman kinuha ko at kumain ako sa kama ko.  Pero habang kumakain ako nkaramdam  nanaman ako ng bigat sa likod ko,  kinakabahan na ako kasi alam kong hindi normal pero hindi ko nalang pinansin.

Kinaumagahan maaga kami gumising para maligo kwento kwento habang nag aayos sa cr.  Medyo maingay kami nun tapos bigla nalang sumara ung pintuan,  so hindi namin pinansin kasi nga madame naman kami.

Pero lumilipas ung araw hindi nawawala ung sakit  sa likod ng katawan ko kaya naman nung off namin nag pamasahe ako.. Pero tulad ng inaasahan ko hindi pa den nawawala ung sakit andun pa din siya pero tiniis ko nalang. Lumipas ung araw ko sa dorm,  medyo ng kakapasa ung sa may balikat ko and everyday naging routine kona ata na  magising ng alanganing oras.

Isang madaling araw nung nagising ako naramdaman ko na may parang kung anong humawak sa paa ko pero diko pinansin instead umihi nalang ako.  Pag balik ko ng bed ko nakita ko ung kumot ko nakapalupot sa gilid  so tulad date hindi ko pinansin.

Maybe ika 12 days kona sa training  nakakarinig na ako ng kwento mula sa mga kasama ko na may humahawak daw sa paa nila ung isa, binangungot na daw siya. So ako naman dedma lang pero ung sakit sa balikat ko hindi nawawala  hanggang sa napansin ng kasama ko na namumula na daw na papasa. Kaya naman nung off ko hindi nako nakatiis ng patawas nako and to know na may nag lalaro pala sa akin sa dorm. 

Ung nararamdaman ko palang sakit sa may likod ko eh may lalaking nakaakbay sa akin kung makikita din ung pasa ko sa likod medyo hugis kamay siya ung parang daliri..  So bingyan ako ng mahiwagang babasahin nung albularyo samin para daw hindi na ako lapitan.

That time medyo gumaan gaan ung pakiramdam ko. Nung nasa dorm nako hindi naman ako ng kkwento sa kanila dahil ayaw ko na matakot sila.

11; 00pm  nag rereview kami ng mga oras na yan  para sa exam namin bukas,  kaya kanya kanyang diskarte sa pagrereview. Hanggang sa natapos ung isa naming kasama lumabas siya ng pinto so nakita ko siya at nakita din siya ng kasama ko,  sabi pa nga namin na ang aga mo naman natapos tinawanan niya lang kami so mga after 15mins.  Kating kati na din akong lumabas kaya naman kahit hinde pako tapos lumabas nako inaya ko ung batchmate ko na katabi kong bed sumama naman siya saka ung isa na nasa taas ng bed niya. Nung nasa labas na kami hinahanap namin si Myla ung kasama naming lumabas, pero ang nakita lang namin sa labas eh si Niko ung nasa kabilang dorm.

"Niko kanina kapa?" Yan ang una kong tanong sa kanya.  Sabi niya oo daw tinanong ko ulit siya kung nakita nya ba si ate Myla.  Sabi niya hindi daw,  akala ko ng bibiro lang siya dun sumagot naman si Jesa sa knya ung ksama ko. "Ano ka diyan?  Kanina pa lumabas si ate Myla kaya nga lumabas na din kami eh"..  Tumawa naman si Niko sabay sabing.

"Men!  Kanina pa nga ako dito wala si ate Myla tignan nyo kasi sa loob. Imposibleng diko makikita yon andito lang ako sa pintuan nyo".   Nag tawanan kami ng mga kasama ko sabay sabi" sige tignan ko sa loob ahh" pumasok sa loob c Jesa. Ilang minuto lang lumabas na siya  sabay sabi sa akin

" shet!  Nasa loob nga si ate Myla galing cr!"...  Kaya naman laking pag tataka ko kasi nakita ko siya lumabas at sumunod naman kami agad nung pag labas niya. 

" sabi sa inyo men!  Para kasi kayong niloloko ng tao !" Sabay sabi ni Niko.  Wala na kami nagawa nila Jesa kundi mag tinginan sinabe din namin kay niko na papasok na kami pero biglang lumabas si ate Myla.  Kaya sabi ni niko na may halong pag susumbong.
" ate Myla tinatanong ka nila sakin kung lumabas ka daw sinabe ko nang hindi ayaw pa maniwala akala yata niloloko ko sila"..  Tumawa naman c ate Myla sabay sabing." Galing lang akong cr kanina hindi pako lumalabas,  pumunta ako sayo Jesa wala ka sa bed mo narinig ko may nag uusap sa labas kya lumabas ako ".

" kasi ate Myla nakita ka namin ni Shey na lumabas nginitian mo pa nga kami eh." Sabi ni Jesa

" Oo nga ate Myla nakita ko ung pintuan na bumukas hindi ko lang sinilip antagal mo pa ngang isara " dagdag ni Rhea.

" bumukas nga pintuan nyo akala ko may lalabas bawal naman kami sumilip jan eh kaya sinara ko nalang" sabi ni NIko

Noong oras na yon kinilabutan ako na diko maintindihan. Sino ung nakita namin na lumabas ni Jesa.  Hindi na kami ng tagal sa labas pumasok na kami

Someone That FollowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon