Prologue

13 0 0
                                    

"Bullshit! Ano to?! Basura na naman! Are you planning to give me again a shity output Klea? Ilang taon ka na dito ha! At first you were exelent but then nang nagtagal kana you became useless. May problema ba?" Hay nako.... ano ba namang buhay to oh!!! Kung mamalasin ka nga naman oh.

"I'm so sorry Boss hindi napo ma-uulit. Aayusin ko na lang po." Sabi ko sabay pulot sa mga papel na nakakalat sa sahig ng office ng LETSENG BOSS ko.

"Dapat lang dahil binabayaran kita ng tama. You should do your job in exellence. Hindi ako nagbabayad ng pera para lamang sa isang basura. Do you understand?!" Shit! Napaigting at napaharap ako sa boss ko ng di oras dahil sa biglaang pagsigaw nya.

"Yes Boss! Hindi na po ma-uulit." I gave him an apologetic face, nagbabakasakali na matapos na ang imbyernang speech nya.

"Now get out! Bago pa mas uminit ang ulo ko. " pagkasabing-pagkasabi nya ay tumalikod na kaagad ako at pinihit ang door knob para maka labas na. Pero bago ko pa man masirado ng husto ang pinto ay inembyerna na kaagad ako ng assistant ni boss na si Andy.

"Ohw! Look who's here again. Parang nagiging paborito munang tambayan ang office ni Sir ha this past few days." she look at me with an annoyed expression. "Alam mo ba na sira na naman ang araw ni boss dahil sayo. At lahat kami nadadamay dahil dyan sa katangahan mo!" Not again please! Ayaw ko ng away. Kaya imbes na sagutin sya ay nilampasan ko na lang sya at hindi na nilingon. I heard her say ungrateful words to me pero hindi ko na pinansin. I think the best revenge for people like her is to ignore them.

Habang naglalakad ako papunta sa table ko ay nakasalubong ko si Zach na may dalang coffee. His a good friend of mine. Gwapo sya, matangkad, maganda ang pangangatawan at mabait naman kung papano pero chosy lang sa babae. Marami ngang nagkakandarapa para lang mapansin sila ni Zach pero ewan ko ba sa kanya, siguro bakla sya. But I am not attracted to him. I'm loyal at kontento nako kay Black. Sya ang kauna-unahang ka office mate ko na naging kaibigan ko. Matagal-tagal narin kaming magkatrabaho kaya alam na nya kung anong mga nangyayari sakin dito sa opisina.

"Napagalitan ka na naman no?" bago ko pa man masagot ay nagsalita na ulit sya "Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo nitong mga nakalipas na araw ha?" tanong nya habang tinititigan ako ng mabuti.

"Pabalik-balik kasi ang lagnat ni Black nitong mga nakalipas na araw. Palagi nya ring iniinda yung ulo nya dahil masakit daw. Eh alam mo namang nasa America yung family nya kaya heto ako bantay sarado sya." sabi ko habang naka ngiti. Naalala ko kasi nung isang araw na binantayan ko si Black at natulog kami na magkatabi habang yakap-yakap nya ko.

"Hoy! Okay ka lang? Bakit yata naka ngiti ka pa ehh diba napagalitan ka tas may lagnat pa yung boyfriend mo?" sunod-sunod na tanong ni Zach habang umiiling.

"Alam mo epal ka. Bakit? bawal na ba akong ngumiti ngayon, di ba pwedeng may naalala lang." Sabi ko habang naka simangot.

Tumawa sya dahil sa naging sagot ko. Pinagkunotan ko lng sya ng noo. "Oh ito kape mo." sabay abot nya sakin ng kape na dala nya. "Inumin mo na yan habang mainit pa para naman mahimasmasan ka. You look like a walking dead." magpapasalamat na sana ako kaso kinumpara ba naman ako sa walking dead. Tsss.

"Oh, sige na. Thank you!" naiirita kunwari na sagot ko. "Atleast ngayon may dyosa ng walking dead." ngumiti sya at ginulo nya lng ang buhok ko at nagpamauna na sa paglakad. Naglakad narin ako papunta sa desk ko at sinimulan ko ng ulitin ang plot ng advertisement na ginawa ko. Tinignan ko ulit yong ginawa ko at narealize ko kung gaano ka nonrealistic at boring ito. I should think for a better idea. Concentrate Klea! Kaya mo to!

After like a thousand years.....

"Hay... Ano ba naman to! Kanina pa ko naka-upo dito pero wla namang matinong idea ang pumapasok sa isip ko! " I said in frustration habang sinasabunutan ko ang buhok ko. I think I should take a break. Tumayo ako at niligpit ko yung mga gamit ko na nakakalat sa table. Nagsuklay at nagpaganda narin ako. Pagkatapos ay dinayal ko ang number ni Black. Si Black ang kauna-unahang boyfriend ko at mahal na mahal ko sya. He always makes me happy and special. At higit sa lahat napaka gwapo at gentleman nya. Marami nga akong naging karibal sa kanya eh, pero ako parin ang nagwagi sa puso nya hahahah..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stuck on youWhere stories live. Discover now