Chapter 1

7 0 0
                                    



Chapter 1

Meeting the older version


"Marsh, samahan mo naman akong sunduin si Kuya oh, ang boring naman pag ako lang mag – isa yung mag tatravel papuntang airport diba? Sabi mo mahal mo ako, ba't mo ako hahayaang mag – isa?" kanina pa nag – rereklamo tong beking to, pasalamat siya iba ang version ng pagmamahal ko sa kanya, yung di pang friends, yung sobra pa.


"Mallow naman, pano pag hanapin ako nila Mama? Try mo nga ikaw mag paalam, tapos kung papaya dun na ako sasama sayo. Palagi mo nalang ako sinasama kahit saan, marsh naman, mag boboy hunting ka lang dun for sure tas ako yung papahanapin mo sa Kuya mo." Totoo naman eh, pag magkasama kami, saka nalang ako kakausapin ng maayos pag nakahanap na nang bagong prospect yung beking yan. Paminsan masakit na masyado kasi syempre, alam mon a, may gusto ako sa kanya matagal na, pero iba hanap eh. Friend – zone naman palagi, sanayan nalang.


Ilang minuto bago nag ring ang phone ni Mama. Tinawagan talaga, pero kahit di niya naman tawagan, alam kong papayag yan si Mama kasi malaki yung trust niya sa bestfriend ko. Sa akin siya walang trust kasi baka gahasain ko daw, alam niyang may gusto ako eh.


"Mamshy, can I borrow Marsh for a while? Susunduin lang namin si Kuya, ngayon ang dating niya galing Japan eh. If okay lang po, ihahatid ko naman din siya after." Sabi ni Mallow, aka Matrius Norse Morshei. Oo, half yan, half british. Ganda genes no? Imaginine mo nalang.


"Mag – ingat ka sa kanya Matrius, este mag ingat kayo. Alam ko naman safe siya sayo eh. Basta, mag – ingat lang kayo." Paalala ni Mama bago pinatay ang tawag.


Before we continue, I'll just introduced myself. I am Charlotte Loise Torres. Pure pinoy, walang half, just buo, as in buong – buo. Joke, I am currently on my last year in college with the course of Education Major in English, hindi Math. Okay? I just hate Math, no I loathe it. Joke. HAHA. Matrius became my bestfriend wayback in my third year in Highschool. He was one of the popular people in our school but in some way, people judge him because he is gay, but despite that, I became as one of his closest friends up to now. Matrius and I even got the same course in college and up to now magkasama parin kami. And this is our last year, and yet, he didn't know that I secretly love him. Iba kasi mag – alaga ang mga Morshei, they oath to give all of their self.


Few minutes later, nasa loob na kami nang sasakyan ni Mallow, since traffic sa daan, naisipang tumawag ni Matrius sa kuya niya since mainitin talaga ang ulo nung damuho na yun, kala mo kung sinong V.I.P, gosh pag nakikita ko talaga yung Kuya ni Matrius feeling ko sasabog lahat ng pwedeng sumabog sa katawan ko. Kala mo kung sinong gapo, pa breezy ang gago. Nangugutang pa sakin na kay yaman yaman naman, ako namang uto uto, nagpautang eh di pa nga nababayaran hanggang ngayon eh. Kahit 100 lang yun baon na baon pa din sa memorya ko kung bakit siya nangutang at sinigawan ako dahil ang tagal ko magbukas ng wallet.


Ilang ring pa bago sinagot ng kuya niyang TOM o kilala bilang Alexus Leveign Morshei, pinanganak at pinaglihi sa sikat na duo – cartoon character na TOM and JERRY. Masama ang ugali, di pala – kaibigan, di nangkikibo unless trip ka niya, madamot pagdating sa MARSHMALLOW at KRIMSTIX pero infareness, yummy at fafa to. Damuho nga lang.


"Kuya Tom, san kana? Sorry, medyo late kami kasi traffic eh. Pero parating na kami, alright?" sabi ni Matrius sa Kuya niya. Papatayin niya sana ng biglang sumigaw ito sa kabilang linya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Beki, The Pogi, and MeWhere stories live. Discover now