Chapter 4: Partner

36 4 6
                                    

MAXINE'S POV

Time check it's 5:36 pm na. 6:00 ang start ng Party. Andito na kami ngayon sa car, kumuha si Dad ng driver namin.

Nakacocktail dress lang naman kami. Tsaka hinubad namin ang eyeglass namin, may mask kasi kami yun ang sabi. Kaya di kami nakadisguise bilang nerd. Total di rin naman nila malalaman na kami to. Ganda naming to? Hahahaha.

Parking Lot pa lang, dinig na dinig na ang music at hiyawan ng mga estudyante sa loob ng gymnasium.

"Gosh, sana lang di nila tayo makilala. Basta ah, walang magsasalita. Baka marecognize nila yung voice natin" paalala ni Sam samin.

"Yeah whatever" sabay sagot namin ni Adelene.

Kanina pa kasi siya, parang sirang plaka. Paulit ulit eh tss.

Habang naglalakad kami ngayon sa hallway, pag minamalas ka nga naman makakatagpo namin ang tatlong ulupong. Alam namin sila yan, sa tindig pa naman nila nilahian na ng unggoy charoot pogi naman sila.

Huminto sila sa harapan namin, at huminto rin kami. Takang tinignan nila kami.

"Ahmm, excuse me Miss Beautiful? Taga dito ba kayo? I mean are you guys a student here?" Tanong ni Ashton sa
amin. Infairness, pogi niya sa sout niya.

Tango lang ang sinagot namin at nilagpasan sila. Nang makita naming umalis narin sila, tsaka kami nakahinga ng maluwag hays.

"That was close" mahinang sabi ko sa kanila.

Nang makapasok kami sa gymnasium di mabilang ang dami ng tao. Punong puno ang gym. Parang mga langgam sa sobrang dami.

"Whoaa, andami naman ata? Pati mga nerds and shy types napilitang makisali dito" sabi ni Lene samin.

"Yeah, right. Ganun talaga siya ka-importante" sagot ni Sam.

Pumwesto naman kami sa kanya kanya naming pwesto. Sa 2nd flood ako, walang tao dito sa itaas. But I can see everyone right here. Si Sam naman nasa tapat ng Door baka may pumasok na kahinahinalang mga guy. Si Adelene naman umupo katabi ni baklang BJ. Napilitan siya mag suit, hahahhaha.

"You're smiling"

Napapitlag ako dahil sa pamilyar na boses. Paglingon ko sa tagiliran ko, ang hari ng ulupong pala tss.

"What's your name? Ngayon lang ata kita nakita dito Miss?"

Ay Oo, di niya pala ako kilala sa ganda kong to hahhaa.

"Pipi ka ba?" Tanong niya.

Ang kulit naman ng unggoy nato urghhh.

"Tss" tanging sagot ko sa kanya.

"Finally, di ka kasi nagsasalita. Dito ka ba nag aaral?"

Batukan ko ba? Iniistorbo ako sa pagmamatyag eh hays

"Yes. Di mo lang ako nakikita kasi di ako nagpapakita" iniba ko yung boses ko baka kasi mahulaan niya sino ako tss.

Tumahimik naman siya at minagmasdan ang mga tao sa ibaba. Nahagip ng mata ko ang nasa 20 kalalaking naka suit. Si Sam naman may kausap. Di niya napansin may pumasok.

Nakita ko naman ang isa sa lalaki sa kanila na may hawak na cellphone at tahimik na pinagmasdan ang boung gymnasium.

Katakataka. Sino ba sila? Tsaka parang di ko pa sila nakikita dito ah? Anlaki naman ata masyado ng mga katawan nila. Studyante ba sila?

Maya maya pa may binulong ang lalaki at nagkawatak watak sila. Pinagmasdan ko naman ang galaw nila at boooom?!

Nagmamatyag pala, sino hinihintay nila? Si President ba? Urgh kainis. Kaaga aga nandyan na sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spy Girls (Enters Academy)Where stories live. Discover now