Kabanata 1

97 3 2
                                    


Sa  Sta. Cruz Manila. Sa isang masikip na tirahan nina Vice Dimagiba.Umaga ng Lunes

" Tito Vice, gutom na gutom na po ako. Wala ba tayong mauulam? Sawa na po kasi ako sa asin at mantika. Mahangin na po ang tiyan ko"--wika ni Marco hawak ang tiyan nito. 

Hinawakan siya ni Vice. "Pagpasensyahan niyo muna si Tito.Nagkataon gipit kaya dalawang araw na tayong hindi nag-uulam nang masarap.At saka yung kinita ko sa pagbabarker e nauwi sa pagbili ko ng gamot kay Lola Luz."-paliwanag nito.

Siya rin hindi pa din kumakain.Dumukot siya ng 100 pesos sa bulsa. Ibinigay niya kay Marco.

'Marco, Heart, Raiko bumili kayo ng makakain niyo ng agahan at pananghalian. Ibili niyo ng mainit na lugaw si Lola Luz at please wag niyo siyang pababayaan."--bilin nito.

" Tito. pwede po bang kaming pumunta ni Kuya Marco sa tabi ng riles? Sasamahan namin ung mga maglalako para may pera kami kung sakaling kulang ito?''--sabad ni Raiko.

Labag man sa kalooban ni Vice ay pinayagan din niya ang dalawa. Mas mabuti nang magwork ang mga ito kaysa magnakaw.

Nagsara ang pabrikang matagal nang pinapasukan ni Vice.Halos kalahating dekada ng taon ng buhay niya doon siya umasa. Ang masaklap hindi na niya natanggap na separation pay at kulang ang kontribusyon na binayad ng kanyang Insurance sa SSS. Baon pa siya sa utang nung nagkasakit siya sa bato.Masakit talaga sa loob dahil yung mga pinaghirapan niya nang napakatagal ay hindi niya napakinabangan kahit  ni isa.

Pumunta na siya sa trabaho.

Mabuti isinama siya ni Ronnie sa pagbabarker ng jeep sa pa-Taft kahit papaano kumikita siya at may ipangtutustos kina Lola Luz at sa tatlong batang inaalagaan niya na inabandona sa Roxas Bay. 

"Taft, taft dito mapupuno na."--si Vice at Ronnie. Sila ang mga favorite barker hearthrob sa iparadahang iyon.Kasi maalaga at malambing pang magsalita ang mag-BFF.Plas ung sense of humor ni Vice na gustong-gusto ng kanilang mga parokyano nila.

"Ayos-ayos lang ang upo. Ok lang na makasagap ng paputok. Sikip sikip lang kahit mabasag ang itlog wag lang ang kargada para pumutok pa ng maigi"--patawa ni Vice

Halakhakan naman ang mga pasahero. Panay kindat naman si Ronnie pag may chick na natipuhan kahit matrona o dalaga.May inaaabot pa dito na tip.

" Uy brad nakadali ka na naman ng 500 galing sa pasaheros mo."--wika ni Vice kay Ronnie nanagbibilang ng pera habang ngumunguya ng bubble gum buong araw.

"Tsk..tsk..diskarte lang yan, Kuys..Tingnan mo pinatulan ko lahat"--ngiting yabang nito.

" Baka pati kaluluwa mo magka-HIV din"--biro nito.

" Buysit ka, Brad (siniko niya si Vice sa dibdib) Diskarte nga para makarami"--resbak nito.

"Aray ko, nagsasabi lang ako ng totoo. "--paninindigan nito

Uwi na nga tayo at makikitagay ako kina Joshua at Daniel sa tindahan ni Aling Bebang.

"Idaan mo na ako sa'min bago ka makipag-sesyon".Umoo si Ronnie.

 Nag-motor ang dalawa pauwi ng Sta. Cruz.

----

Sa Dasmarinas Village sa Makati City.

Sa mansion nina Jaki Gonzales. Nasa balcony siya malapit sa garden. Paborito niyang tambayan kapag nabobore siya. Doon rin siya tinatrabaho ang kanyang mga papeles kapag day-off niya.Advertising company ang kanyang tinayong negosyo kapartner ang mga beshies  niyang sina Mica at Madc dahil Bachelor of Science in Business in Administration Major in Advertising and Digital Marketing ang natapos nila.Mga active bloggers at writers sa social media tungkol sa kanilang business para lalo pang makilala ta maka-attract ng mga foreigner businessmen.Graduate sila sa kilalang Unibersidad sa Maynila. Miyembro ng socialite group.

Balik tayo sa eksena niya. Nagbbrowse ng kanyang  apple  I-pad X si Jaki. Walang siyang ibang tinitingnan kundi ang FB page ng kanyang recently boyfriend for 4 years now. Si Tom Hae.Kilalang young businessman at heart. Mahilig sa kotse. Katunayan eto ang kanyang negosyo. Nag-oorganize din siya ng mga prestishiyosong mga car show dito at sa abroad. Sobrang sikat, sobrang yaman at sobrang mabait ang boyfriend ni Jaki kaso ang seryoso sa buhay. Tinitingnan lang naman niya ang ganap sa tagumpay na tinatamasa ng boyfriend. Proud siya dito. Parehas lang silang may kaya sa buhay. Graduate pa at may high honor sila parehas.Pero mas proud pa siya achievement ng boyfriend kaysa achievement niya kaya ipinagmamalaki niya ito sa lahat.

Mag-isa lang siya sa bahay. Dahil nasa Canada ang mga magulang na may negosyo din pinapatakbo. Every six months lang sila nakakauwi.They only spend two weeks tapos flight ulit. May Ate siya si Radel, isang flight stewardess sa isang international airline pero bihirang umuwi dahil may condo itong tinutuluyan. Nalulungkot siya dahil palagi siyang nag-iisa.Kanya-kanya na sila ng pinagkakaabalahan. Kasama niya ay Nanay Remy na kasama pa nila noon maliliit pa silang magkakapatid at dalawa pang kasambahay na mas bata kay Manang Remy.May drayber siya si Mang Oke at kasalitan niya si Kuya Pogi.

May nagmessage  kay Jaki galing kay Tom: Ni-replayan niya ito.

Tom: Hi! Love. How's my love???

Jaki: Here I am. waiting far you. When will you comeback my love? Missing you so much --feeling            sad emoji. I can't wait. I need to see you now.Please comeback home.

Tom: Love... Paris is so faraway from there. Just Stay strong and I will send you my love through               heart telepathy.

Jaki: Okey.  I got it. Thanks Love. 

Malungkot pa rin siya dahil 2 weeks nang nag-aasikaso ng Auto Car Show si Tom doon kasama ang isang French Partner nito.Mahal na mahal niya si Tom nang higit pa sa buhay nito.Actually, ikakasal sana sila after graduation sa college pero nakansela dahil nagpaalam si Tom na may malaking offer ang isang kumpanya ng kotse sa Dubai para pamahalaan niya.Chances are rare kaya hindi na pinakawalan ni Tom iyon.Nagustuhan ang performance niya kaya siya tinulungan magkabusiness sa Pilipinas na sarili niya. Plano sila nang plano pero ang ending hindi natutuloy. Kahit hindi natutuloy ang planong pagpapakasal ay umaasa pa rin si Jaki na doon ang hantungan nilang dalawa.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MISS KIYEME  LOVES MISTER  TORPE (VICEJACK STORY)Where stories live. Discover now