Three: Stalker

33 2 0
                                    

Jayron's POV

"Hoy Jayron dre bakit ka ba nakatulala jan kanina ka pa ah?" Tanong ni Marco

"Wala may iniisip lang" sagot ko

"Psh...sabi wala daw pero may iniisip tsk ang gulo mo" react ni Jake

Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pag-iisip tungkol sa nerd na nabunggo ko kanina

"Hindi nga, seryoso na dre ano bang iniisip mo ow mali pala sino bang iniisip mo?" Tanong ulit ni Marco

"Tsk, fine naalala nyo pa ba yung nerd na nabunggo ko?" Tanong ko sa kanila kaya tumango nalang sila

"Nakita ko sya dun sa bar na pinuntahan natin kahapon may kasama syang mga taong mukhang mafia reapers" paliwanag ko

"Sus, akala ko naman kung ano na yang iniisip mo" sabi ni Jake

"Tsk" palatak ni Carl

Sino ka ba talagang Nerd ka bakit kita nakita sa bar kahapon diba dapat ang Nerd nag-aaral imbes na gumagala psh... malalaman ko rin kung sino ka

Sofia's POV

*7:00*

Late na akong nakatulog kagabi dahil sa transaction ng mafia na ako ang nag-handle ugh... sa susunod hindi na ako papayag na mag-handle ng transaction dahil eyebug lang naman ang nakukuha ko dun ni cincong duling nga wala akong napala huhuhu

"Monica bumangon ka na malalate kana sa school" sigaw ni papà

"I'm up already" balik sigaw ko saka pumunta sa walk in closet ko at kumuha ng fitted off shoulder na black at faded ripped jeans at ipinatong sa ibabaw ng kama ko

Matapos kong maligo nagbihis na agad ako at sinuot ang heels ko at glasses ko naglagay narin ako ng lipbalm at bumaba na sa dining hall

Matapos kong magbreakfast sumakay na ako sa lamborghini Murcielago kong kulay itim. Pinabantayan ako ni papà sa mga reapers namin para daw masiguro na ligtas ako dahil may nakatunog daw na pinatay ko si Mr. Lim sa transaction kagabi psh...

Nang makarating ako sa school ng exact 8:00 pinaalis ko na ang mga reapers namin at sinabi ko sa kanila na kaya ko na ang sarili ko kaya umalis na sila

*history*

Nagdidiscuss na si Mr. De Castro ng biglang mag-vibrate ang Iphone ko kaya agad ko itong tiningnan

From:09*********

Go outside...

Unknown number? Sino naman kaya ang magpapadala sa akin ng message ng ganitong oras parang wala naman eh

Nang mag lunch break na nagtext na naman yung unknown number

From:09*********

It's paybacktime go outside...

Okay let's see about that kaya pumunta ako sa labas ng university at nagpalinga-linga sa paligid para hanapin yung bwisit na unknown number na yun and kaboom nakita ko ang limang lalaki na nakatayo malapit sa parking lot. Agad ko silang nilapitan kaya napaayos sila ng tayo

"Sino sainyo yung nagmemessage sa akin" cold kong tanong sa kanila

"Ako bakit may angal ka?" Sagot ng lalaking maraming tattoo sa katawan psh... mukhang adik

"Oo dahil kanina kapa nang-iisturbo" cold ko paring sabi para makaramdam sila ng takot

"Psh... tama na ang satsat nandito kami para ipaghiganti si Mr. Lim hindi para makipagdaldalan sa pumatay sa kanya" sabi nung lalaking maraming piercings sa tenga at sa labi tsk ang pangit...

A Nerd Holds A Weapon?!!Where stories live. Discover now