one

116 11 12
                                    

General

"vhong! uy vhong!" wala namang magawa ito kundi mapadyak na lang mula sa kanyang pagkakahiga kasi dumating na naman ang abala sa tulog niya tuwing umaga. "VHOOOOONG!!" sigaw nito.

"bahala ka diyan" sa isip isip ng binata, sa tatlong taon nila pagkakaibigan ay sanay na siyang ginugulo siya nito araw-araw. literal. Lumipas ang ilang minuto na pangungulit nito ay tumahimik na at napangiti naman si Vhong dahil dun. "umalis na siguro ang babaita" ngunit naramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likod kaya hindi niya mapigilang mapangiti. nakasandal ang ulo ng dalaga sa balikat ni Vhong kaya sobrang lapit nila sa isa't isa.

"bango mo" sabi naman ng dalaga sabay singhot.

"bruh, uy notice me papi." kahit nakatalikod ay alam niyang nakapout with puppy eyes ang kaibigan niya. humarap naman siya dito at di na siya nagulat na sobrang lapit nang mukha nila at ngitian na lang siya nito.

"ano na naman ba karylle?" tanong nito habang tinititigan ito. gandang babae. "pini-peste mo na naman ako bruh, wala na bang bago?" tawa nito sabay gulo sa buhok ni Karylle.

Sabado kasi ngayon at wala silang trabaho kung san parehas silang nagtra-trabaho. tatlong taon na ang lumilipas nang mapasok siya sa kumpanya na dati niya pa gusto, tatlong taon na rin nung nakilala niya si Karylle at maswerte siya dahil pati ito ay pumasok sa buhay niya.

"bruh, I want to eat" nakangusong sabi nito sa binata hindi naman mapigilan na kurutin ni vhong ang pisngi nito dahil sa kacute-an ng kaibigan niya. "please" dagdag pa.

"okay, ano gusto mo kainin?" paano ba ma-resist cuteness nito?

"you know naman my favorites, right??" tanong ni Karylle sabay labas dila at napatawa naman si Vhong dahil sa ginawa ng dalaga, "hay parang bata". sabi niya sa isip niya.

Una nang tumayo si Vhong at inabot niya ang kamay niya kay Karylle para makatayo, kumapit naman ang dalaga at tumayo na rin. nakasandal naman ang ulo ni Karylle kay Vhong habang naglalakad sila papunta sa kusina kasi kulang siya tulog, maaga pang pumunta sa condo ng binata at alam niyang papagalitan siya nito kapag nagkataon, ayaw niya pa naman itong nagpupuyat.

Nang makarating ay umupo siya sa stool at nakalumbaba habang tinitigan ang kaibigan niya na gumalaw sa kusina. hindi niya man aminin pero lakas talaga ng dating ng kaibigan niya kaya't nagtataka siya kasi hanggang ngayon wala pa ring girlfriend ito.

"psst!" tawag niya sa binata at napalingon naman si Vhong kay Karylle. "hmm" ang tanging sagot lang.

Tumayo naman si Karylle mula sa kinauupuan niya at pinunasan ang pawis na namumuo sa noo ni Vhong gamit ng laylayan ng kanyang damit. Inayos din niya ang buhok nito mula sa pagkakagulo.

"ayan, papi na ulit!" natatawang sabi ni Karylle at umupo na sa kinauupuan niya. Natuod naman si Vhong sa kinatatayuan at kung hindi pa siya tawagin ni Karylle at sa malamang ay sunog na ang niluluto niya.

Nilagay ni Vhong ang mga ulam sa lamesa. umupo na sa harap ni Karylle, sinandukan na niya ng kanin ang dalaga at nilagyan na rin ng ulam.

"alam mo ba, ang daming pinapa-finalize na papers sakin ni Sir Crawford, ako ata favorite nun kasi puro ako, kaunti na lang iisipin ko na crush ako nun." napalingon naman siya dito dahil sa narinig at posibleng mangyari yun, dami pa namang nagkakagusto na co-workers nila sa kumpanya sa kaibigan niya.

"wow girl, ganda mo! penge naman ng ganyang beauty!" pabaklang saad ni vhong kaya napangiwi naman si Karylle at natawa naman ang binata dahil sa reaksyon nito.

"hindi bagay sa'yo, ang panget mo bruh" natatawang sabi nito. "parang kanila lang gwapong gwapo ka sakin ah, anyare?" nakangising bulong ni Vhong.

"bubulong bulong ka pa diyan, rinig ko naman!" at napairap si Karylle. "pero totoo naman, gwapo ka na. oo na." pags-surrender niya at hindi na naalis ang ngisi sa mukha ni Vhong.

"asus, hindi man lang nagdeny ng kaunti. gustong gusto eh no?" may sarkastikong saad nito. "pakiss nga" asar ni Karylle ulit. hindi na nabigla si Vhong sa mga ganung hirit ng kaibigan niya kasi sanay na siya na sa mga ganung banat, unti na lang iisipin niya na din na gusto siya nito.

"gusto mo ko no?" tanong ni Vhong. napabuga naman si Karylle nang umiinom siya ng tubig kaya sapul sa mukha ng binata. "HUY BRUH, ANUBAYAN" sabay punas sa mukha nito.

"sorry, sorry.." pagpapaumanhin ng dalaga na nagpipigil ng tawa. "ikaw naman kasi! pabigla-bigla ka, naloka ako sa tanong mo" at pinunasan na rin ang mukha ni Vhong.

"hindi no, bruh kita forever. sinasabi mo diyan." pagsagot ni Karylle sa tanong niya.

Napatayo naman si Vhong at tumalikod na palayo kay Karylle at sa ganung galaw pa lang nito ay alam na ni Karylle na nagtatampo or galit na ang kaibigan niya. isa lang dun sa dalawa.

"uy bruh, galit ka ba?" untag ni Karylle habang nakabuntot sa binata. Papasok na si Vhong sa kwarto niya para magpalit dahil pati ang kanyang shirt ay nabasa rin. "sorry na kasi, di ko sinasadya." dagdag pa.

Iniiwasan namang tumingin ni Vhong kay Karylle kasi once namang nagawa niya 'to alam niyang bibigay siya ulit at di kayang tiisin si Karylle, nagiging malambot siya pagdating dito.

"sorry na" nakatalikod pa rin siya dito kaya hindi niya makita ang mukha ng dalaga, nakarinig naman siya ng paghikbi kaya dali dalian siyang lumingon at nakitang umiiyak ito. Niyakap naman agad ni Vhong si Karylle ng mahigpit at pinatahan. "Ssssh, tama na. hindi na ko galit, tahan na."

hindi alam ni Vhong kung ano ikakainis niya, yung nabugahan siya ni Karylle nung tubig o yung sinabi na hindi siya gusto nito?

hindi na niya alam.

<<<<>>>>>>

hi. 🤗 hindi ko alam kung hanggang kailan sila magiging sweet pero kailangan pa rin ng sakit kaya abang abang lang, char.

luv ko na talaga vhongrylle kaya napasulat ako kahit author kuno lang naman ako. 😂 + sorry kung shonget, feeling author huhu. pasensya.

° L °

Work BruhddiesWhere stories live. Discover now