two

98 8 2
                                    

Vhong's POV

bilis ng araw, monday na kaagad at ibig sabihin balik trabaho na naman. eight am pasok namin ni Karylle sa trabaho at alas sais na hindi pa ako nakakapag ayos.

kinuha ko na lang ang cellphone sa bedroom table at it-text si Karylle, susunduin ko na lang siya. napaka-tipid pa naman nun sa gas.

to: bruh
uy, sunduin na lang kita? nakapag prepare ka na ba?

Lumipas na ang ilang minuto pero hindi pa rin siya nagr-reply, walang load? pati ba naman load, napaka kuripot. mabuti na't maliligo muna ako at baka ma-late pa ko, iba pa naman magalit boss namin.

Naligo't na ako wala pa ring reply, maganda ba 'to para di replayan ang papi na katulad ko? oo na, maganda na si karylle. kainis. siguro dadaanan ko na lang siya sa condo niya bago dumiretso sa office. napahawak na lang ako sa sentido ko kasi naalala ko na andami ko pa pala papers na aasikasuhin.

7:15 na at nasa gitna ako ngayon ng traffic, kamusta na kaya ang kaibigan kong pati ata sa text ay sini-seen ako?

from: bruh
wazzup mah paps, dinala ko na car ko then omw to office na. no need to fetch me. wru na ba??

conyo but still cute. isa sa mga katangian na gusto ko sa kanya.

to: bruh
omw too. edsa. traffic. ikaw? ingat sa pagd-drive ha? kilala kita, napaka paspasera mo. feeling race driver.

ilang beses ko na siya pinapagalitan about dito kasi one time nabangga siya pero minor injuries lang naman. maraming sermon inabot niya sakin pero pagpapa-cute lang ginagagawa niya sakin kaya ayun bumibigay. di ko matiis eh. sa tatlong taon simula nung nakilala ko siya, everytime na mag-aaway kami, magtatampuhan pag-nguso at sabayan pa niya ng puppy eyes, ako ang unang nakikipag ayos. ewan ko ba sa sarili ko.

7:45 nang makarating dito ako sa office, may 15 mins pa ko so ligtas. who you boss?

"magandang umaga vhong, aga mo ata ngayon ah?" bati sakin ni manong guard. napailing na lang ako. kadalasan kasi eksaktong alas otso ako nakakarating.

"good morning kuya, eto naman pati pa yun napansin" sabay tapik ko sa balikat niya. dumating na kaya si Karylle?

"ay siya nga pala kuya, andito na si k?" dagdag ko pa. samin kasing mga nagt-trabaho dito kami ni k ang sobrang close niya kaya pati palayaw namin, alam niya.

tumango naman siya kaya napasimangot ako. hindi man lang nagawang mag-reply.

"salamat kuya" pagpapasalamat ko na lang. ito naman ang isa sa mga ayaw ko Karylle, hindi nagagawang magreply ng mabilis kaya ako naman nag-aalala na sa kanya.

Mabilis akong pumasok sa elevator at nakasalubong ko naman ang mga ibang nagtra-trabaho din sa kumpanya na 'to. Crawford Industries.

Pagbukas na pagbukas pa lang ng elevator ay nagmamadali akong pumunta sa department namin. Nakita ko naman kaagad ang taong kanina ko pa gusto makita.

"Karylle." seryoso bungad ko sa kanya, tila nagulat naman siya kasi nakayuko siya at nag-aayos ng mga papers na muntik na niya maitilapon.

"jusko naman Vhong! ano ba naman trip mo at nanggugulat ka?" sabay hawak sa dibdib niya. gusto ko matawa pero naalala ko, seryoso pala dapat ako dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Work BruhddiesWhere stories live. Discover now