Chapter 1 - Pitsel

9.9K 258 24
                                    

Si James

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Si James

-----------
"Happy birthday nak." Isang masiglang bati ang nagpatigil sa pag tatype ko sa aking laptop.

Birthday ko ngayon, 24th birthday, pero hindi naman masyadong espesyal ang araw na to. Wala namang akong paparty, andaming projects at reports sa school, idagdag pa na wala talaga kaming budget para sa isang celebration.

Kung dati dati ay talaga naman magarbo ang selebrasyon, ngayon ay parang wala lang. Naintindihan ko naman. Nakakamiss lang.

"Thanks Pa." I said in a very gloomy voice.
Bumusangot ako at hinabaan ang nguso, mga 8 inches.

"Ano ba namang mukhang yan, hindi kita binigyan ng magandang genes para ganyanin mo lang." He joked. Ganyan talaga yan, makulit at palabiro.

"Eh kasi naman, tatlong taon ka nang walang regalo oh, wag masyadong karirin ang pagiging kuripot pa."

"Uy brad, sino nagsabi sayong wala akong regalo aber?" Noon ko lang napansin na may hawak pala itong paper bag na itinatago sa likod.

"For real Pa?" Biglang nawala ang atensyon ko sa keyboard at humarap kay Papa.

Yung nguso ko na kanina ay halos walong pulgada na ay lumapad upang maging isang ngiti.

Bihira lang itong mag regalo, palibhasa'y kuripot, ngunit pag naisipan ay talaga namang magarbo. Hindi ko maitago ang kasiyahan.

Simula kasi ng magkasakit si mama, nagbago nang lahat ang ikot ng mundo namin, pati na ang aspetong pinansyal.

"Real na real real na real dan dan dan dalandan." Kinanta nito ang sikat na commercial ng orange juice na pinagbibidahan ni Kendra at Team Kramer.

Tiningnan ko ng maigi ang mukha ni Papa.
At the age of 45, hindi padin kumukupas ang itsura nito. He is still handsome na tulad ng sinabi nito ay maganda talaga ang genes. Swerte ko daw at namana ko ito sa kanya. Parang di naman.

Everytime we are together, parati kaming napapagkamalang magkapatid, minsan naman ay barkada. Kaya minsan ay ang tawag nito sakin ay brad, pre o kaya 'tol.

"Akina Pa dali." Pag aapura ko.

"Tyanannnnnn!" Sabi nito na hindi mawala ang pagiging proud sa binili nya.

Saka nito nalabas ang isang di kalakihang brown na paper bag. Halatang malaki ang laman nito dahil sa umbok na nasa gilid.

Oh, Nike shoes! Excited kong hula, para kasing karton ng sapatos ang laman.

Matagal ko na itong kinukukit ng Nike shoes. Tuwi kasing magjojogging ako ay nananakit ang mga paa ko dahil sa sapatos na hindi naman maganda ang kalidad.

"Yes!" Sigaw ko. Hindi maikubli ang excitement. Kulang na lang ay magtatalon ako sa tuwa.
Para akong bata.

Hinawakan ko ito sa noo.

"Brad, wala ka namang sakit ah, anong masamang hangin at may ganito ka?" Biro ko.

He suddenly became serious. Ang ngiting kanina ay nakaplaster sa labi ay biglang napalis.

"Pasensya ka na nak, alam mo naman ng magkasakit ang mama mo ay nabaon na tayo sa utang eh." I can feel his voice trembling.

Sinuntok ko ito ng mahina sa braso.

"Brad, nagbibiro lang ako. Tama na ang drama sawa na ako sa ganyan, baka talunin natin si Joshua Garcia sa pagka best actor nyan." I was refering sa pag ganap ng actor sa The Good Son na talaga namang nag viral.

I smiled, pero hindi ko din napigilan ang maging emosyonal.

Muling bumalik ang ngiti nito sa mga labi. He tried to dismiss kung ano mang malungkot na nararamdaman sa dibdib.

"Welcome back father!" I grinned.

"Bago ko ibigay to sayo, promise me na iingatan mo ito dahil ilang bwan akong hindi kumain ng maayos mabili ko lang to." Seryosong sabi ni Papa.

"Yes Pa, pramis!" Hinalikan ko ito sa pisngi.

"Oh sya akyat na muna ako sa taas, andaming pasyente sa clinic."

"Salamat ulit Pa, I love you. Mwah mwah tsup tsup." Sabi ko na nakatawa.

"Hindi bagay sayo brad, kalaki ng katawan mo ha ha ha." Tumawa ito at saka umakyat sa hagdan. Alam ko naman na natouch ito, ganyan lang talaga yan, dinadaan sa biro ang lahat.

Muli itong humarap sakin. "Inuulit ko James Christopher, ingatan mo yan dahil kung hindi gugulpihin kita naintindihan mo? Burara ka pa naman"

"Yes Sir!" Para akong sundalong tumayo at sumaludo.

Saka ito tuluyang nawala sa aking paningin.

Dali dali kong pinunit ang paper bag. Kumakanta kanta pa ako habang ginagawa iyon.

Kung gaano kataas ang excitement ko kanina, ay para itong apoy na binuhusan ng tubig.

"What da ef? Pitsel?"

Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя