Chapter 13 - Roses

3.9K 175 9
                                    



Nag aabang ako ng bus papuntang coastal ng may pamilyar na sasakyang ang pumarada sa harap ko.

Parang kilala ko to.

Bumukas ang pinto nito at natambad sa akin ang mukha ng lalaking gabi gabi ay nagpapapuyat sakin.

"Hi Honey, I miss you." Masaya nitong bungad.

Lumundag ang aking puso. He is so simple in his pastel blue tees at faded jeans.

Gwapo padin ang demonyo.

Ngunit nangibabaw ang sama ng loob kaya tinitigan ko lang ito ng matalim.

Ang kapal naman ng lalaking ito, matapos akong paasahin at hindi magparamdam ng higit isang bwan ay basta basta na lang magpapakita na parang wala lang.

James ano bang karapatan mo magalit? Wala naman diba?

Arghhhhh!

"Hon, tara na." Naghihintay padin itong pumasok ako sa kotse.

I pretended that I heard and saw nothing. Tiningnan ko ang relo ko at akmang papara ng bus.

Hinawakan nito ang aking kamay na agad ko namang binawi.

"Eto na naman tayo." Sabi nito saka bumalik sa loob ng kotse. Wala itong pakialam kung bawal pumarada ng kotse doon. It is as if he owns the road.

"May regla ata ngayon." He whispered pero alam kung sadyang iparinig sakin.

"Ano bang kailangan mo?" Masungit kong sabi.

"Hala oh ansungit." Ngingiti ngiti lang ito na parang nakakaloko. Waring hindi tinatablan ng pagsusungit ko.
I am hearing his signature grin na matagal din naka plaster sa utak ko.

"Umalis ka na, kaya kong umuwi mag-isa."

"Ah siguro naman gagana sayo to."
Muli itong pumasok sa kotse at may kinuha sa backseat. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga taong andun. Ang iba nga ay talagang tumigil para makiusyoso.

Laking gulat ko nang lumapit ito saakin, holding bunch of colorful flowers. Inabot ito sakin, I don't know what to do.

"Look I'm sorry ok." Simpleng sabi nito.

Tinitigan ko lang ang kamay nito na may hawak na bulaklak.

Shit na malagkit kinilig ako!

Wag mag pahalata James, wag mangisay, cool lang, huminga ng malalamim, kunyari nainis ka. Ilang linggong hindi nagparamdam tapos madadala ka lang sa isang kumpol ng bulaklak!

Never!

"Ano bang paandar to Ben?" Galit kong sabi.

Dinig kong naghihiyawan na ang mga tao sa paligid. Ang iba ay nagpapalakpakan pa at pumipito.

"Patawarin mo na kasi si pogi!" Sigaw ng isang lalaki.

Tumingin ito sa nakapalibot na mga tao.
Sinundan ko din ang kanyan tingin.

Whoah, andaming tao! May mga nagtitilian pa. Parang gusto kong magtago sa loob ng bag ko.

"Naku ayaw ako patawarin oh, tulungan nyo naman ako please!" Sigaw nito.

"Hay naku kuya, kung ayaw mo kay pogi akin na lang di ko sya pahihirapan." Sigaw ng isang babae. Kasunod noon ang tawanan lahat.

Alam kong center of attraction na kami sa lugar na iyon. Ang iba pa nga ay kumukuha ng video at picture dahil naririnig ko ang pag click ng camera.

"Papatawarin mo ako o hahalikan kita dito sa harap ng maraming tao?" He said in a challenging voice. Malakas iyon, sadyang pinaparinig sa mga audience.

Nagpalakpakan ulit ang mga tao. Gosh nakakahiya na to.

Humakbang ito papalapit sakin. Alam ko na ang gagawin ng mokong, walang hiya to eh.

"Oh sige na, sige na. Halika na at nakaka hiya na." Kinuha ko ang bulaklak at dali daling sumakay sa kotseng nakabukas ang pinto.

Ito naman ay nag bow sa harap ng maraming tao, dahilan upang maghiyawan at palakpakan ang mga ito.

Saka ito sumunod sa kotse.

"Nakakahiya ka Mr. Fortaleza." Angil ko kay Ben matapos nitong istart ang kotse.

Tumingin ito sakin, akmang hahalikan ako ng bigla ko itong binatukan.

"Aray ko naman!"

"Expired na yang demand deman na yan hoy. Tsaka nakakahiya ka kanina alam mo ba yun!"

Nararamdaman ko padin ang pangangatog sa sobrang kahihiyan.

"Sino nagsabi?" Himas himas ang batok, napalakas ata yun. "Saka anong nakakahiya doon?"

Hindi ako nagsalita. Hindi ako sanay na nasa spotlight. Ayoko yung sakin naka tuon ang atensyon ng lahat.

"I miss you."

Hindi padin ako kumikibo.

"Look, I'm sorry ok?"

"Ok" maiksi kong tugon.

"Aren't you happy to see me?" Nasa kalgitnaan na kami ng Cavitex.

"No." Matipid kong sagot.

"Why, may iba ka na ba?"

"Anong may iba? Saka ano naman sayo kung meron nga?"

"Wag na wag kang mag eentertain ng iba kundi babasagin ko mukha nya at babalatan ko ng buhay."

Sometimes, hindi ko maintindihan ang taong to. He finds me interesting, alam ko yun pero masyado naman atang OA.

Hindi na lang ako nag salita. Madami akong problema, ang bahay, ang gastusin sa school. Hays dumagdag pa itong lalaking to.

Tumingin ako sa labas, hoping to get tranquility from the sea.

Ayoko mahulog sa lalaking ito kasi alam kong walang sasalo sakin.

Bahala na si batman.

Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن