Ang Boyfriend Kong Kerubin (Overview)

62 4 3
                                    

Ang Boyfriend Kong Kerubin
Copyright © 2018 by JoeruNisan

Si Cryzlene, isang mabait at simpleng istudyante pero naniniwalang parang siya na ata ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Namatay kasi ang mga magulang niya dahil sa isang aksidente kaya ang tanging inaasahan nalang niya sa buhay ay ang sarili. Nagtatrabaho siya para masuportahan ang kanyang pag-aaral.

"Di kagandahan, di sikat, di pansinin, at walang pera. Sino nga bang magkakagusto sa tulad ko?" Aniya minsan habang nagdadasal. "Lord, bigyan niyo naman ako ng boyfriend. Yung mukhang anghel."

Minsan habang siya ay papasok ng eskwelahan ay isang aksidente ang muntik nang bumawi ng kanyang buhay. "Ang malas ko talaga. Di na nga maganda, maaaksidente pa." Aniya.

Ngunit pasalamat nalang niya at may misteryosong lalaki ang sumagip at nagligtas sa kanya pero sa kasamaang palad, ang lalaking sumagip sa kanya ang binawian ng buhay.

Nang gabi iyon, dahil sa pangyayari ay nahirapan siyang makatulog. Tila di niya makalimutan ang lalaking nagligtas ng buhay niya hanggang sa may marinig siyang malakas na pagbagsak mula sa bubong ng kanyang inuupahan. Agad niya itong tiningnan at nagulat siya nang makita niya na puro parang balahibo ng malaking ibon ang kanyang nadatnan. Nang suriin niya pa ito ay mas lalo siyang nagulat na isang hubo't hubad na gwapong lalaki ang nakita niya na misteryosong may pakpak sa likuran.

Siya si Jhayden, ang gwapong kerubin na hinulog mula sa langit at ang parehong lalaki na sumagip ng kanyang buhay.

Sino nga ba si Jhayden at ano ang misyon niya kung bakit siya ibinalik sa lupa? Paano na si Cryzlene kung ang kasama na niya sa buhay ay isang pilyong kerubin?

"Di ba sabi mo kay Lord gusto mo ng boyfriend? Kaya nandito ako." Sabay kindat ng gwapong kerubin.

"Lord, sabi ko po mukha lang anghel. Hindi po literal na kerubin."

END

Hi, guys. Another story of mine but more on fantasy and comedy genre. What do you think? Leave your ideas and opinion at the comment box and if this will get 20 vote, I will upload the Prologue and Chapter 1 immediately. Thank you and God bless.

While waiting please read my other stories, Back to You and Living With the Campus Hottie. Thank you.

- JoeruNisan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Boyfriend Kong KerubinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon