Prologue - Pay Back Time

367K 3.9K 495
                                    

"Please, don't!" nanginginig ang boses ni Ellah nang bigkasin ang mga katagang iyon. Namumuo ang mga luha sa kaniyang mga inosenteng mata, kasabay niyon ang panginginig ng kaniyang katawan sa sobrang takot na nararamdaman.

"You need to pay for what your father did to me, sweetheart," may diing anito.

Napakislot siya at biglang parang ulan na dumaloy mula sa mga mata niya ang mga luhang kanina pang nagbabadyang bumagsak. Hindi man niya lubos maaninag ang kabuuang mukha ng lalaki dahil sa kadilimang bumabalot sa bawat sulok ng silid na ang tanging pusyaw lamang ng lampshade ang nagbibigay liwanag sa naturang kwarto ay alam niyang may masama itong binabalak.

Napasiksik siya lalo sa headboard ng kama at niyakap nang mahigpit ang kumot pahapit sa kaniyang katawan na para bang kaya nitong takpan at pigilan ang binabalak ng lalaking nasa harapan niya ngayon.

Hindi niya paniniwalaan ang sinabi ng lalaki. Alam niyang gumagawa lamang ito ng kuwento laban sa kaniyang ama. Nagsisinungaling ito! Ang kaniyang ama ay kilalang businessman na may mabuting puso. Kailanman ay wala itong inapakang tao sa paligid, dahil alam nito ang makibagay at maging mabuti sa kapuwa.

"You're sick! Mabait na tao ang ama ko. H-how come you can tell that about my father from your baseless accusation?" Alam ni Ellah na walang lakas ang kaniyang boses dahil sa takot, pero nagawa pa rin niyang ipagtanggol ang minamahal na ama.

Nakita niya ang pagtiim-bagang nito at pagmura nang malakas sa hangin. Halos atakehin siya sa puso lalo na't pakiramdam niya ay nagdilim ang anyo nito kahit hindi niya nakikita ang mukha ng lalaki. Bakit ba hindi na lang siya nito pakawalan pa? Wala naman siyang kasalanan!

"Ang patayin ang ama mo ang siyang kailangan ko. Pero nang makita kita - ang magandang anak niya - nagbago ang isip ko. Ipaparanas ko sa ama mo ang sakit na ginawa niya sa'kin."

"Demonyo ka!" nanggagalaiting sigaw niya. Isang lalaking baliw ang nasa kaniyang harapan. Gusto niya itong sugurin at paghahampasin, pero alam niyang wala itong magandang maidudulot. Mas lalo lamang niyang ipapahamak ang sarili kung nagkataon.

Ngumisi ito at namulsa. "Yes, I am, and hell is my territory." Nagsimula itong humakbang papalapit sa kaniyang kinaroroonan.

No!

Nanlamig ang kaniyang buong sistema. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kumot. Kung ano man ang binabalak nitong gawin ay hindi ito magtatagumpay! Mamamatay muna siya bago nito magagawa ang gusto nitong gawin. Nag-isip siya kung paano niya ito, tatakasanpero masayadong okupado ang isip niya sa mga sandaling iyon kaya nahihirapan siyang mag-isip nang tama.

Diyos ko! Tulungan N'yo ako!

"S-stay away from me . . ."

Ngumisi lang nang nakakaloko ang lalaking nasa harap niya. Nasa paanan na ito ng kama at nahagip ng mga mata niya ang paghuhubad nito ng damit pang-itaas at itinapon nito sa kung saan. Nagsitayuan ang mga balahibo sa kaniyang katawan na hudyat ng paghuramintado ng kaniyang dibdib dahilan para atakehin siya sa sobrang takot sa kung anuman ang posibleng mangyari. Hindi siya tanga para hindi makuha ang ibig nitong sabihin - may gagawin itong masama laban sa kaniya! Kinakain na siya ng takot, pero mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa kaniyang namumugto at basa pa ring mga mata. Agad siyang lumundag sa kama para takbuhin ang pintuan at makalabas sa impyernong iyon, pero walang pakundangang nahagip nito ang kaniyang bewang.

Nagmistula siyang papel nang hilahin siya nito. Napuno ang silid ng malakas na sigaw mula sa pagwawala niya. Ora-orada'y bumagsak ang kaniyang likuran sa malambot na kama. Hinawakan nito nang mahigpit ang kaniyang kamay sabay diin sa kaniyang ulohan. Muli ay hindi niya napigilang sumigaw dala ng pagyakap ng kakaibang kaba at takot; napakislot din siya sa sakit mula sa pagkakadiin nito sa kaniyang pulsuhan.

DOMINANT SERIES 1: Abducted (Completed) CUHEN MALCOGNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon