Chapter 4- Savouring

224K 4.1K 698
                                    

Nagising si Ellah dahil sa kumakalam niyang sikmura. Tingin niya ay nagpapatayan na ang mga alaga niya sa loob at balak yatang gawing umagahan ang kaniyang bituka.

Napatingin siya sa labas – kahit nakasara ang bintana –alam niyang tirik na ang araw dahil sa maliit na siwang na nagsusumiksik sa maliit na espasyo ng bintana. Dahan-dahan siyang tumayo, pero ganoon na lang ang pag-ikot ng kaniyang ulo at panlalabo ng paningin. Bigla siyang napabalik ng upo sa kama. Doon lang niya napansing iba na ang kaniyang kasuotan.

Don't tell me . . .

Nanlaki ang kaniyang mata nang silipin niya ang suot na undies – walang iba, kundi ang boxer short ng binata. May kahigpitan pa ang pagkakabuhol ng laso sa kaniyang baywang.

God!

Ngayon lang nag-sink in lahat sa kaniyang utak ang buong nangyari kahapon at kung paano siya muntik nang mahulog sa bangin.

"This time, you'll eat what I cooked." Mula sa pintuan ay pumasok ang lalaki na hindi nababakasan ng anumang emosyon sa mga mata. Pati boses nito ay nagbibigay ng kakaibang takot sa buong sistema ni Ellah. "Huwag mong subukang tumakas ulit sa'kin, at baka pagsisihan mo."

"Ba-bakit mo pa a-ako iniligtas?" tanong niya rito nang sumabog ang pagtataka sa kaniyang isip. Bahala na siguro kung magagalit na naman ito at itatapon na naman sa kung saan ang bitbit nitong tray na may lamang pagkain.

Tumiim ang mga titig nito sa kaniya, at naramdam niya ang talim ng mga mata nito at panganib na dala. "Simple . . ." panimula nito at inilapag sa ibabaw ng kamang kinaroroonan niya ang pagkain. "I love dirty games."

Paisa-isang dumausdos ang mga luha niya na tila hindi napansin. Heto na naman sila – nambubulabog sa kagandahan ng kaniyang mukha! Bakit ba hindi na siya nasanay na ang lalaking kaharap ay isang taong walang puso at may saltik sa utak?

"Ang sama mo . . . wala kang puso!" halos pabulong niyang tugon – tila ba hangin lamang ito na nalusaw sa kawalan nang mabilis na nag-unahang bumagsak ang mga luha niya.

Tiningnan siya nito. "Yeah, I am. What's new?"

"Anong bago? Ang bago ay isa kang taong may saltik sa ulo!" hindi niya napigilang sigaw. "Isa kang baliw, Mr. Malcogn. Bakit hindi mo subukang magpunta sa mental institute at ipagamot ang pagiging baliw mo?" Namumula na ang mukha niya dulot ng galit na umaapaw sa mismong damdamin.

Hindi naman natinag ang binata sa sinabi niya. Nanatili lang itong walang emosyon at parang nababagot sa inaasal niya. "Right after I kill your father, susundin ko 'yang payo mo."

"Demonyo ka!"

"Kainin mo na ito kung ayaw mong ganito kaaga ko patayin ang ama mo," may pagbabanta anito. "Gusto mo yatang mangyari 'yon."

Nanginig ang tuhod ni Ellah nang marinig iyon. Kahit ayaw niyang kainin ang dala ng lalaki – kahit gutom at nag-aaway na ang mga bulate niya sa tiyan – kapag ang kaniyang ama na ang pag-uusapan ay gagawin niya ang lahat ng gusto ng isang Cuhen Malcogn.

Kapagkuwa'y tumalikod ito at nagtungo sa pintuan. Bago nito ipinihit ang seradura ay nagsalita ulit ito,"And, in case you didn't know . . . nasa isolated mountain tayo. Don't bother to trick me again, that would be useless. We came here by chopper, and if you wanna get killed, be my guest." Hindi na siya nito hinayaang makapagsalita at tuluyan nang lumabas paalis.

Mas lalo siyang napaiyak sa realidad na kinasadlakan niya lalo pa't malabo siyang makakatakas sa lugar na ito. Napahagulhol na lang siya sa magkabilang palad niya at marahang nagdasal na sana ay nasa mabuting kalagayan ang ama niya. Dahil kung hindi man ay hinding-hindi niya mapapatawad ang lalaki at isusumpang papatayin niya ito sa ikalawang buhay kung mayroon man.

DOMINANT SERIES 1: Abducted (Completed) CUHEN MALCOGNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon