KNAP 22

24.6K 374 42
                                    

KNAP 22

Den’s POV

“Hmmmmmmm” Nag-iinat inat ako.

Bigla akong napabalikwas nung maalala ko na naghihintay nga pala ko kali Ly.

Napansin ko na nasa bed na ako. Teka pano ako napunta dito?

Tumingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Ly. Nakadapa na naman sya. Pagod na pagod na anman siguro to.

Tumingin ako sa alarm clock sa side table. Its only 6:30 am. Ang aga ko naman ata magising for a Saturday morning na wala naman akong klase.

Tiningnan ko si Aly. Tsk tsk. Natulog na naman sya ng di man lang nagpapalit ng damit. Pati yung sapatos nya di manlang nya nahubad.

Nung mga nakaraang araw napapansinko na napapabayaan na nya yung sarili nya.

Natutulog ng di nagpapalit ng damit. Minsan di kumakain. Ang kalat na rin nya sa gamit.

Yung mga ayaw nya na ginagawa ko yun ang mga ginagawa nya ngayon.

Tumayo ako at lumapit sa kanya para alisin yung sapatos nya.

Pgakaalis ko ng sapatos nya lumapit ako sa kanya para ayusin yung unan nya. Siguradong magrereklamo to ng masakit ang leeg nya pagkagising nya.

Tinitigan ko pa sya ng matagal bago bumalik ulit sa bed ko. Maaga pa naman e. Humiga ulit ako paharap sa side nya.

Si Ly.. For me she has perfect features..

Round eyes na naging singkit na dahil sa eye bags..

Matangos na ilong..

Labi na may tamang kapal which make it a kissable lips.

Tapus yung biloy nya  at guhit sa pisngi nya na lumalabas pag ngumingiti sya..

Who wouldn’t fall inlove with her?

Mapalalaki o babae nagkakagusto sa kanya kaya ang swerte ko at sakin sya inlove.

Ang malas lang nya dahil duwag ako.

Nabulabog ako nung biglang magring yung phone nya.

Riiiiing

Riiiiing

Riiiiing

Ang aga naman na may tumatawag sa kanya.

Pero mukang ang lalim ng tulog nya. Di manlang sya nagising sa tunog ng phone  nya.

Kung okay lang kami kanina ko pa sinagot yung tawag. Gawain ko kasing icheck yung phone nya e.

Kahit di pa kami ginagawa ko na yun. Ako pa nga nagset ng password nya sa phone nya e.

Riiiiing

Riiiiing

Riiiiing

Ang kulit nung tumatawag.      >____<

Iniistorbo nya yung tulog ni Ly ko.

After ng mga sampung ring nagising din si Ly. Kinapa nya yung phone nya habng nakapikit pa rin at sinagot ito

“Urgh! Who the hell are you?” iritableng sagot nya. Naputol kasi yung tulog nya. Kahit ako maiinis ako dun.

“Kim! Did you know what fvcking time it is? Plus its Saturday!” nagulat ako kasi nagmura sya. Ganito ba talaga sya makipag-usap sa mga barkada nya?

Kapag Napagod Ang Puso (An AlyDen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon