Chapter Ten

5.5K 157 12
                                    

Chapter 10

ARIANNA

"Alright, let's go...home." Nang sabihin niya 'yon ay napatunghay ko sa kanya kahit basang basa ng luha ang buong mukha ko. Sa kabila ng pagbalik ng memorya ko kung pano namatay ang mga magulang ko dahil sa Nakita kong ginawa ni Declan sa lalaking nangtrip saakin ay nabuhayan ako.

Uuwi na ako? Iuuwi na niya ako?

Patuloy ako sa pag iyak ng buhatin niya ako na para bang tatlong tanong gulang lang ako. Kusang yumapos ang dalawa kong braso sa leeg niya at itinago ko ang mukha ko sa ilalim ng ulo niya. Napasinghot ako ng paulit ulit hanggang sa mag-umpisa ng maglakad si Declan. Nakarinig ako ng tawanan.

"Aww, ang sweet sweet ni fafa Declan."

"Ganyan talaga pag ano... alam mo na."

"Boy, pano nga ulit 'yon... Alright, let's go home..." ani ng kaibigan ni Declan na para bang ginagaya ang tono ng pananalita niya. Malakas silang nagtawanan

"Fuck! Kadiri! HAHAHAHAHA."

"Kasuka!"

Napatigil sa paglalakad si Declan nang may humintong kotse sa malapit saamin. Bumaba doon ang isang lalaki. Pamilyar siya, at alam kong isa siya sa kaibigan ni Declan na Nakita ko nung gabing nabili ako ni Declan.

"Hayop ka, Jaxon! Ang aga ng rescue mo ah."

"Ba't ko aagahan e nandiyan naman kayong alipores ko?



"inamoka! Sa gwapo kong 'to, alipores mo?! Si Zane, pwede pa! Batang yagit 'yan e!"

"Hayop! Tigilan mo nga ako."

"Hey, Dec. How's the damsel in distress?"

Humigpit ang hawak saakin ni Declan na para bang nate-tensed siya. Napahigpit din ako ng kapit sa batok niya.

"She's fine. I was able to save her."

"Alright, kami na ang bahala dito."

Naramdaman kong tumango si Declan. "I want all of them. Kayo na ang bahala."

Malalim ang bawat paghinga niya hanggang sa maipasok niya ako sa loob ng kotse niya. Hindi na nakasunod ang dalawang kaibigan niya na umawat sa kanya kanina sa pagbugbog 'don sa lalaking sumuntok sa sikmura ko at ang lalaking kakarating lang.

Nag-umpisa ng mag-drive si Declan nang makapasok siya sa driver's seat. Nang umandar 'yon ay para bang may ng-udyok saakin na ipikit ang mga mata ko atpara bang hinihila ako para matulog, at dahil na rin siguro sa pagod ko sa mahabang paglalakad mula sa bahay ni Declan ay mabilis akong hinila ng antok at tuluyang makatulog.









NAGISING ako anng lumapat ang likod ko sa malambot na bagay. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at naaninagko kaagad ang mukha ni Declan.



"Declan..." mahinang bulong ko. Tuluyan ng nagising ang diwa ko. Tumingin ako sa paligid at nasa pamilyar na kwarto ako. Nasa kwarto niya ako.



Tumingin siya saakin. Nakakunot ang noo niya. "Sorry if I wake you up,kailangan kitang ilipat sa—"



"Bakit nandito ako? Akala ko ba iuuwi mo na ako?" sunod sunod na tanong ko kasabay ng pagbangon ko.

"Didn't I made it clear that you'll be staying here as long as I want because you are my property?"

"S-sinabi mo kanina na iuuwi mo ako." Galit akong tumingin sa kanya.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Onde histórias criam vida. Descubra agora