14

442 18 1
                                    

-- Jairus --


Nagising ako ng nasa loob pa ako ng van. Tiningnan ko ang paligid at hindi ko na talaga alam kung nasaan ako.

Bigla na lang tumigil ang van at binuksan ang pinto. Nasa harap ako ng abandoned building. Joke lang. May eskinita pa na dadaanan bago dun sa building na yun pero madami pa namang gusali ang malapit dito.

Baka wala na ako sa Seoul.

Umarte akong tulog at may lalaking nagbuhat sa akin.

Baka patayin nila ako.

Agad akong nagpanic.

"Mama! Mama! Pakawalan niyo ako! Ang papanget niyo!!!" sigaw kobat nagwala kaya nabitawan ako nung lalaki. Bigla akong tumakbo palayo kaso may bumuhat sa akin at tinakpan ang bibig ko.

"Damn this child! Be quiet!" sabi nung lalaki pero malay ko ba kung ano yung sinabi niya.

"I will never ever trust strangers again!" sigaw ko pagkatapos kagatin yung kamay niya. May ngipin ako kaya masakit ako mangagat.

Binubuhat parin nila ako at nilagay na ako sa isang sako. Ah ah ano bang trip nila sa mga gwapong gaya ko?

"Let go the child!" sigaw nung lalaki. Ang hirap talaga pag nasa ibang bansa wala akong maintindihan. May lahi akong koreano pero hindi ako nakakaintindi ng korean.

Tapos may narinig akong nagsusuntukan pero di ko alam kung anong nangyayari since nasa loob ako ng sako at wala akong makita.

Basta ang alam ko lang biglang may nagbukas ng sako at sinigawan ko siya "Bring me back to Seoul! I want to see my mom again!!!" sigaw ko at tuluyan na akong umiyak.

"English speaking?" tanong nung isang lalaki. Minulat ko na ang mata ko at nagulat ako ng makita silang walang mask.

Binilang ko sila at sila ay tatlo? Hindi, apat. Lima pala, este anim.

Anim sila.

"Kid? Where do you live? Where are your parents?" tanong nung isang lalaki.

Mukhang papakawalan nila ako kaya sinagot ko na yung tanong niya.

"I live in Philippines but my mom's in Seoul" sagot ko.

"You're still in Seoul" sabi nung isa. Korean pero finally naintindihan ko. Napatingin ako sa kaniya at nakilala ko siya.

Wallpaper siya ni ate, yung mukha niya nasa kwarto ni ate.

Hindi ko lang alam ang pangalan niya.

Teka, nasa Seoul pa ako? Eh di ang bulok ng pampatulog powers nung kumidnap sa akin!

"Where in Seoul? We can bring you there" sabi nung isa. "By the way, I'm Suho" sabi pa niya sabay ngiti.

Itong anim na ito? Nasa poster ni ate.

Ewan ko lang kung nasaan yung iba.

Pero pasalamat na din at interesado silang ibalik ako kay mama.

"I don't live in Korea and I don't know the places here that's why I don't know" sabi ko. At ngayon ko lang talaga naisipan tingnan ang paligid at mga knock down yung mga lalaki na kumidnap sa akin.

Pinagsusuntok siguro ng mga ito.

"We could bring this child in the police station" sabi nung isa.

Wrong Number || kth ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin