Chapter 5

82 10 4
                                    



***

BAEKHYUN POV

Nandidiri kong pinahid ang aking kamay sa labing minsan ay marahas na hinalikan ni Chanyeol. Bakit ko ba napapanaginipan yung mga bagay na dapat nang kalimutan?

Baliw na talaga yung demonyong yun! Kahit noong mga bata pa kami, he's crazy already! Patay na patay siya sa akin. Ang assuming ko ba? Ikaw ba naman ang laging sundan kahit saan. Maski pag babanyo ko eh nandun din siya. Lahat nang mga kaibigan ko, tinatakot niya. Ewan ko ba kung anong nangyari dun.

Puwede nga sigurong totoo na asawa ko na siya ngayon, iyon ay dahil baka sa pagkidnap niya sa akin noon. Baka anong ginawa niya na naman para pumayag ako na magpakasal sa kanya. Kung anuman ang nangyari noon kaya nagpakasal ako sa kanya, sigurado talaga akong may ginawa lang siyang marahas na hakbang para mapasunod ako at ang pamilya ko. At hindi ako papayag na pagkagaling ko mula rito sa hospital ay mapipilitan akong makisama sa kanya sa isang bahay. Hindi ko kayang makasama siya sa isang bubong. I will make some plan to escape from his presence. Hindi ko kayang makisama sa kanya sa isang bahay hanggang hindi ko maalala kung ano ang ginawa niya noon para makasal ako sa kanya. Hindi ako matatahimik. I can't keep quiet and do nothing.

Kaya sigurado na akong tatakas ako dito sa hospital. Bahala na.

I was contemplating on how to escape when someone came inside my room.

Nakangiting sinalubong ako nang demonyo kong asawa habang hawak-hawak niya sa kamay ang isang bata. Sino naman ang batang to?

"Baek, siya si Marcus. Our son...."

Sandaling napatitig ako sa batang nangngangalang Marcus na marahil ay nasa limang taon na gulang pa lamang.

"M-mama! Mama ko. Mama!" agad na kumawala sa kamay ni Chanyeol ang bata at agad na tumakbo palapit sa akin. Bakas sa mukha nito ang labis na kasiyahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Akin ka lang, Mahal (Exo-FanFic)Where stories live. Discover now