사랑이란 무엇인가?

1K 91 51
                                    

052918
안녕, 대통령
Hey there, president.
Irene x Seulgi

***

"HINDI tama ang ginagawa nyo!" Inis na usal ko at tinignan isa-isa ang apat na dilag na 'to— Sana, Wheein, Jennie at Yeri. Ano ba naman 'to, puro na naman kaulol-an ang ginagawa nila.

"Pres, hindi din tama 'yung ginawa nung team nila Momo!" Inis na giit naman ni Sana kaya naman napatingin ako sa grupo nila Momo na tahimik lang na nakaupo sa isang gilid. Si Momo, Lisa, Joy at Hwasa.

Paano naman, naglaro sila ng volleyball sa court at nagkapikunan daw kaya naman nagsapakan, sabunutan, at umpugan sa pader. Napapailing nalang ako dahil imbis na niyayakap ko nalang ang girlfriend ko ngayon, eto ako at pinagsasabihan sila. Inaayos pa ang problema nila.

"Anong kami na naman?! Hello, kinagat lang naman ng pandak na 'yan ang binti ko kanina!" Inis na saad ni Joy na tumayo pa mula sa pagkakaupo sabay duro kay Yeri.

"Gosh, kung hindi mo lang naman ako hinalikan, diba?! Nasa kalagitnaan ng sapakan kanina, minanyak mo ako!" Inis na ganti naman ni Yeri kaya nanlaki ang mga mata ko. Seriously?

"Okay, stop it, bitches." I mumbled. Napahilot ako sa sentido ko dahil nagsisimula na naman sila. Kaya hindi magkaroon ng katahimikan at kapayapaan dito sa school na 'to, eh. Puro nalang sila away. Nakakabwisit pa at ako ang Presidente ng student council at ako ang tagaayos ng gulo ng mga putanginang to.

"Bukas na bukas, maglilinis kayo ng school. Kayong apat," Sabay turo ko sa grupo ni Sana. "Maglilinis kayo ng CR." Napangiwi naman sila nang marinig ang sinabi ko. Nagtawanan naman sila Momo kaya naman sinamaan ko sila ng tingin. "At kayo naman," Bumaling na ako sa grupo nila Momo. "Maglilinis kayo ng field at rooftop." Okay, mukhang mas lugi sila since ang laki nung pinapalinis ko sa kanila pero hayaan mo na, mas kadiri naman ang CR. Napasimangot din sila ngunit hindi ko nalang iyon pinansin.

"Umalis na kayo, bago ko pa mas palalain ang parusa nyo." Inis na saad ko, dali dali naman silang nagsilabas sa office.

Napasandal ako sa swivel chair ko at kinuha ang phone ko, agad kong tinawagan ang girlfriend ko dahil pagod na ako at sya lang ang nakakapagpabalik ng gana ko.

"Hello?" Napangiti agad ako nang marinig ko ang boses nya. Baliw na ata talaga ako dahil napapangiti na nya ako sa simpleng pagsabi nya ng hello.

"Hello, Baechu." I sighed. Napapikit ako habang ang cellphone ko ay nakatapat pa din sa tenga ko, pinapakinggan ang malalim na paghinga nya sa kabilang linya.

"Bear... are you okay?" Nandoon ang pag-aalala sa boses nya kaya napangiti ako ng kaunti. Strikto man sya at masungit sa ibang tao lalo na sa mga kamag-aral nya, mabait at mapagmahal na girlfriend naman sya sa akin.

"To be honest, hindi." Bumuntong hininga pa ako. "May nag-away na naman, I'm tired. Imbis na umuwi nalang, pinoproblema ko din sila."

"Because you're the president, honey." Natatawang sabi nya sa kabilang linya.

"Ikaw din naman." Giit ko. Oo, pareho kami ng girlfriend ko. President din sya ng SSG sa school nya. Ang school nya— na mahigpit na kalaban ng school ko. Parang DLSU VS ADMU lang.

"Atleast, mababait mga estudyante dito." Pangiinis nya kaya naman napairap ako.

"Masungit ka lang kamo kaya takot sila sa'yo." Aaminin ko naman na mabait ako sa mga estudyante dito kaya siguro gumagawa pa rin sila ng mga kalokohan. Pero pag ako talaga nainis, binibigyan ko sila ng matinding parusa na iniiyakan nalang nila madalas.

Hey there, pres ¦ 슬린 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon