Epilogue

652 12 0
                                    



*****

-6 Years Later-

ELIZA'S POV

"Mom! Sige na po! Please!"

Hayst! Kanina pa 'tong sila Angeline at Angelica!

Nagpapasama sa Beach. Aalis kasi sila Harry kasama ang Girlfriend niyang si Kirsten. Hahaha!

Ang daming nagbago.

Si Harry, sila na ni Kirsten.
Si Sab asawa na si Ford. May anak sila pangalan Sebastian. Seb. Lalaki at kaklase nila Angeline at Angelica.
Si Hannah may boyfriend ulit.
Si Hazel nagpagupit na.
Si Kenly mataba pa rin--

"Baby Boo! Kainin ko na 'tong Cake mo ah?"

See?

Ako...Well, Buntis ulit. Hahaha! 7 months.
Malandi kasi si Kenly eh. 'Wag ako sisihin niyo. Hahahaha.

Si Angelica at Angeline Grade 1 na sa pasukan. Six years old na silang pareho.

Si Angeline, Girly Girly. Kikay. Tapos mahilig sa Manika. Hindi yung mga Barbie, yung manikang Tahe lang. Parang unan.

Si Angelica naman, Boyish. Hahaha. Mahilig sa Cars, Lego, Cellphone, lahat ng panglalake.

Sinasabihan nga namin ni Kenly na Panget maging Tomboy. Pero sabi niya may Boy Crush daw siya sa school. Hahaha!

Ayaw niya din sa Barbie doll. Opposite ni Angeline. Si Angeline kasi Iyakin pero malakas. Amazona. Siya yung hindi mo kayang patumbahin kapag physically.

Kapag Emotionally naman, Do'n! Do'n siya umiiyak. Natatalo.

Si Angelica, Hindi maarte. Malambing. Pero mas malambing si Angeline. Mabait. Masunurin. Masunirin silang pareho pero mas masunurin si Angelica.

Lagi siyang may sombrelo sa ulo at yung sombrelo niya, kapag sinusuot niya laging patalikod. Yung flat ng cap ay nasa likod tapos yun adjustan ay nasa harap niya.

Basta patalikod. Hehehe. Sabi niya ginagaya niya daw yung Daddy niya at pang-Cool at swag daw 'yon.

Manang mana sa kalokohan ng Tatay.

Si Angeline, sa akin nag mana. Pa-Baby. NagbaBaby talk siya katulad na lang ng...

"MOMMY! ANGELICA STILL MY DOLL! PLEASE MOMMY! TELL HER TO STOP! PLEASE PO!"

Kahit ganoon sila. Marunong silang magsalita ng Po at Opo. Napakagalang kahit nag-eenglish. Hindi naman kami englishero ni Kenly pero nag-eenglish.

Si Angelica naman ganito magsalita...

"NO PO! I DIDN'T!"

Tapos iiling iling pa. Pero nasa likod lang naman niya yung doll. Tsk!

"Mommy! Please! Summer na po ngayon. Sama na po tayo."

Nabalik ako sa realidad. Hays! Oo nga pala.

"Okay Sige. Sasama tayo sa kanila. Pero huwag kayong makikipag-Away kay Seb ah! Promise me!"

"Promise po!"

Sabay nilang sabi. Ang cute nila.

Umakyat muna ako sa kwarto namin para mag-empaki ng susuotin.

Nakita ko sa bintana ang paghahabulan ng Dalawa. Napapangiti na lang ako.

"BLE! BLE! BLE! AKIN NA 'TONG DOLL MO!"

Rinig kong sabi ni Angelica. Hayst! Eto na naman sila.

"DADDY! SI ANGELICA PO! KINUHA YUNG DOLL KO!"

Fake Lovers (PUBLISHED)Where stories live. Discover now