Chapter 12

2.7K 37 3
                                    

Bea's POV

Andito na ako sa mini stage na ginawa namin pero di parin ako makapagsalita sa sobrang kaba feeling ko kakainin na ako ng Munro dahil sa mga titig ng teammates ko eh.

"Go....good evening gu..guys" nauutal kong simula habang hawak ang mic

"Ano de Leon? Di ka pa mag sisimula!?! Abay nagugutom na ang Lola mo ah!" Pataray na sigaw ni ate ells kaya nag tawanan naman silang lahat. Bahala na lang kung anong kalalabasan nito. Bago ako mag simula tinignan ko muna ang family ko at nag thumbs-up lang sila.

"Alam ko ang sinakripisyo nyo sakin dahil sinabi sakin ni mom." Paghihinto ko at tinitigan silang lahat at nakikinig naman sila.

"Guys first of all, I'm so sorry for disturbing your life. Sorry kasi pinagod at pinagaalala ko kayong lahat. Sorry din kasi naging bastos ako sa inyo this past few days. And thank you sa mga ginawa nyo sakin lalo na nung panahong nag lalasing ako dahil sa kabaliwan ko thank you dahil binigay kayo ng panginoon sakin. Guys I'm so so tanga na ngayon ko lang narealize ito." Paghihinto habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko.

"Ju? Thank for being there for me kung di ka nagalit sakin di ko siguro narealize to eh" patawa kong sabi pero seryoso parin sila kinakabahan na ako.

"Guys? Mapapatawad nyo pa ba ako?" Sabi ko at lumuhod sa stage para sa kanila. Nag silapitan naman silang lahat at niyakap ako Bali group hug ang nangyari dito.

"Anong hindi? Sayang yung pagkain oh masasarap pa naman. Kaya gora na kainan nalang ang kulang oh" sigaw ni ate ells at tumakbo sa naka buffet na pagkain.

Nagsimula na kaming kumain pero tinawag ako ni jia.

"Bei? Can we talk?" Sabi ni jia kaya nag tinginan naman ang buong team. Tumango ako at pumunta na kami sa private place.

"ju/bei" Sabay naming dalawa

"You first ju alam kong importante ang sasabihin mo" sabi ko kaya di na sya nakipagtalo pa.

"Bei im so sorry nung nangyari sa araw na yon. Nag aalala lang talaga ako sayo hindi lang ako ppati narin si jho."

"Si jho?!" Gulat kong sabi tumango naman sya

"Where's jho?! Pupuntahan ko sya. Jia please sabihin mo sakin kung asan si jhoana ko" sabi ko habang umiiyak. Pag dating kay jho sobrang dami ng luha ang lumalabas sa mata ko. Mahal na mahal ko nga sya.

"Bei hindi ko rin alam kung nasaan si jho. Tinatawagan nya lang ako pero iba ibang number ang ginagamit nya. Tapos pag tatawagan ko na sana ang mga number na yon. Wala na di na nacocontact. Siguro nga bei nakaplano ang lahat. And I'm so sorry kung pati ako nakisali sa kanila dati." Paliwanag nya.

"Anong ginawa ni jho at lahat kayo napapayag nya?!" Hindi ko alam kung galit ba ako pero ang alam ko nasasaktan ulit ako. PAULIT ULIT na sakit.

Kweneto naman ni jia kung paano sila napapayag ni jho. Napagtanto ko naman na siguro nga lahat ng ito may dahilan.

"Hihintayin ko parin si jho kahit anong mangyari jia :)" sabi ko at inakbayan naman sya at nag Simula na ng mag lakad pabalik kung Saan kami nanggaling kanina. Nadatnan namin silang nag iinuman na kaya no choice ako kundi makisali na lang at mag pakalasing.

After 2hours.

"Bei tama na. Lasing kana oh" sabi ni ate ly sakin.

"Ate ly? Alam mo bang pag nakarami, nakakalimot?! HAHAHAHA so cheers! Last na to oh!" Sigaw ko kaya wala na silang nagawa dahil lahat kami may mga tama na except kay jia at ate den lam nyo na? Mababait hahaha

I will wait for you no matter what my princess 💖

Only You BabeWhere stories live. Discover now