This chapter is dedicated to Emerald_Blake158,GURUSAKI,Modernong_Writer,RuriSy,NynxBerde,A-nimsu
Main Characters:
•CARMELITA CORAZON DYPIANGCO
•GREGORIO DELA CRUZ~
"Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo, may mga bagay na sadyang pinapangarap mo pero hindi mapapasa'yo kahit paghirapan mo."-Unknown
THIRD PERSON'S POV
"Please Gregorio, 'wag mo akong iiwan. Buntis ako. Magkakaanak na tayo. Nagbunga na ang pagsasama natin." sabi ng isang babae na nasa edad bente uno. Nagtangka siyang hawakan ang kamay ng binata ngunit nilagay agad ng binata ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang bulsa. Nagtubig ang mata ng dalaga dahil sa halu-halong mga emosyon.
Kasalukuyang nasa may gate silang dalawa, nag-uusap. Umaambon narin ang langit dahil sa paparating na ulan.
"Patawad Corazon, buo na ang desisyon ni Mama na ipakasal ako kay Amelita. Siya na ang mapapangasawa ko." tugon ng binata na nasa edad bente uno rin. Naiiyak din ito ngunit pinilit niyang magpakatatag at huwag ipakita sa pinakamamahal niya na siya rin ay nasasaktan.
"Minahal mo ba talaga ako, Goryo?" marahang sabi ng dalaga habang umiiyak. Kasabay noon ang pagbagsak din ng tubig galing sa mga ulap.
"Oo, mahal na mahal kita pero hindi tayo pwede! Hindi kailanman nababagay ang hampaslupang gaya ko para sa isang gintong kagaya mo!" sinisigaw ni Goryo sa kaniyang isipan.
"Hindi. Hindi kita minahal kailanman, Azon. Hinding-hindi ko magugustuhan ang isang kagaya mo na hindi lumaki sa hirap. Ni hindi ka nga marunong sa mga gawaing bahay. Wala ka sa kalingkingan ni Amelita pagdating sa gawaing bahay." dire-diretsong tugon ng binata at tumitig sa dalaga bago nag-iwas ng tingin.
Napapikit si Azon sa sinabi ng binata. Tila kutsilyo ang mga salita ni Goryo para sa kaniya. Mahal na mahal niya si Goryo ngunit kailanman hindi raw siya minahal nito? Eh bakit may nabuo? Nanatiling tahimik si Azon, naghihintay na babawiin ni Goryo ang kaniyang sinabi sa dalaga ngunit hindi.
"Alam kong mahal na mahal ako ni Goryo! Hindi niya lang maamin dahil sa aspekto ng kaniyang pamumuhay! Pero wala akong pakialam doon!" isip ni Azon.
"Paano itong batang dinadala ko? Goryo, mahal na mahal kita! Magtanan na tayo ngayon na! Ayaw kong mawalay sa piling mo. Handa kong suwayin si Mommy at Daddy para sa'yo basta't wag ka lang mawala sa tabi ko"
Lumuhod na ang dalaga sa harapan ni Goryo. Umiiyak ito habang nakaluhod sa lupa na siyang kinatitirikan ng bahay ni Goryo. Ang mestisa niyang kutis ay mamula-mula dahil sa kaniyang pagkakaluhod sa lupa ngunit hindi niya alintana ito. Nilunok niya na ang katiting na pride na mayroon siya.
"Hindi, Azon. Mali ito. Mali itong ginagawa natin! At sobrang mali na nakipagrelasyon ako sa isang kagaya mo at may nabuo pa! Hindi ko alam anong gagawin ko ngayon!" litong-lito na sabi ni Goryo sabay sarado ng gate ni Goryo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Seasons Of Love
Teen FictionKung HAPPY ka, maaari mo itong basahin. Kung BROKEN-HEARTED,pwede rin. Kung KUNTENTO, pwedeng-pwede rin syempre. Itong kwentong ito ay kinapapalooban ng apat na storya na tiyak na pupukaw sa inyong mga atensyon at damdamin.This is a compilation of o...