[SHORT STORY] Think Twice, Think _________

65 2 0
                                    

Tiningnan ko ang mga nakalagay sa shelf.

Pink...blue...red?

What the--ano nga ulit yung sinabi niya?

Shit, nakalimutan ko na.

Naramdaman kong mag-vibrate ang cell phone ko. Naku, hinahanap na ako ng girlfriend ko. Nai-imagine ko na siyang nafu-frustrate mag-isa dun sa kung nasaan siya ngayon.

Agad akong nag-reply sa tanong niya (tama ang hinala ko, hinahanap na nga niya ako) at bumalik sa pagmumuni-muni.

Tumingin ako sa paligid ko. May mga tao nang nakangisi sa'kin na parang tanga. Nakakahiya itsura ko rito. Ang tagal kong makapili, lalaki pa man din ako.

Kailangan ko nga palang gawin âto para kay Sophia, ang girlfriend ko.

Bahala na, mas importante na maibigay ko sa kanya âto. Kinuha ko na lang yung pink, dali-dali itong binayaran (habang iniiwasan ang mala-troll face na ngiti ng cashier), at umalis na.

Kumatok ako sa kwartong di ko aakalaing kakatukin ko sa buong buhay ko, in public pa.

Ang girls' restroom.

Inilabas ni Sophia ang ulo niya.

"Francis!" bati niya saâkin.

Tahimik ko na lang na iniabot ko sa kanya ang plastic na dala ko. Agad niyang inusisa ang nasa loob nito.

Nginitian niya ako.

"Thanks, dear, love you!" At agad niyang sinarhan ang pintuan.

Napa-buntung-hininga ako sa mga nangyari.

Di ko aakalaing makakabili ako ng napkin sa buong buhay ko.

Pero naalala ko ang ngiting ibinigay saâkin ng girlfriend ko matapos niyang malaman na tama naman ang napkin na nakuha ko para sa kanya.

I guess it was all worth it. :)

[SHORT STORY] Think Twice, Think _________Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon