Epilogue

300 55 20
                                    

-Nixarine's POV

"Hi Bata. Ano pangalan mo?" sabi nang batang lalaki sa isang batang babae nakaupo lamang sa upuan nang parke.

Hindi nagsalita ito at para bang nakatulala ito at maraming iniisip.

"Huy bata magsalita ka nga. Buti nga kinakausap kita nang isang katulad kong gwapo" sabe nang batang lalaki at naggwapo sign pa.

"Ay, sorry hijo a. Hindi pa nagsasalita o pumapansin itong apo ko kahit kanina. Na trauma kasi siya sa pagkamatay nang magulang niya."sabe nang isang matanda. Parang si... Lola.

"Aahh ganun po ba. Kaya po pala. Kawawa naman siya. Pero.. sino po kayo? At pano niyo po nalaman ang trahedya niya?" sabe nang batang lalaki habang nakaturo sa batang babae.

"Ako ang lola nang batang ito. Siya nga pala si Nixarine Kylie Lopez" sabe nang matandang nagpapanggap na lola ko o... lola ko talaga?

At tsaka... ako? Ako ang batang ito? At itong batang lalaki na ito ay si...

"Ahh okay po. Ang ganda nang pangalan niya. Ako naman po si Xian, Xian Ken Fulgar." sabe nang batang lalaki na si... Xian.

Teka? Nasaan ako. Ano tong nakikita ko? Bat naiiyak ako? Ano nangyayari?

Sumakit ang ulo ko kaya napa pikit ako habang hawak ulo ko.

Nawala ang sakit nang ulo ko at ibinuka ang mata ko. Nasa garden ako. Sa isang puno. Parang... nakita ko na ito.

Eto yung... Argghh.

"Pst Nixa. Makinig ka a. Maglalagay ako nang mga pangalan rito. Gusto ko paglaki natin ito ipapangalan natin sa lalaki nating anak." sabe niya at may isinulat sa gitna nang puno.

Nix♡Ian

May luhang pumatak sa akin at bigla na naman sumakit ang ulo ko

Nang nawala ang sakit tumingin ako sa paligid ko. Nasa kwarto na ako. Kwarto ko.

At may mga batang mukhang edad na 12. Isang batang lalaki at isang batang babae.

"O siya. Magpahinga ka na Nixa. Dito lang ako at hihintayin kita magising." sabe nang batang lalaki at hinawakan ang kamay nang batang babae.

Nixa? Nasaan na naman ako? Anong nangyayari. Kanickname ko ang batang babae sa kwarto ko.

Nakatingin lang ang batang babae sa lalaki at unting unti pinikit ang kanyang mga mata.

Sumasakit na naman ang ulo ko. Sheyt. Pinikit ko ang mata ko at ang alam ko na lang ay... nasa gilid ako nang kalsada.

May isang lalaking tatawid at mukhang masaya ito. At kamukhang kamuha niya si... Xian.

Tumingin ako sa gilid. May papataring na truck. Pupuntahan ko na sana para tulungan si Xian kaso di ako makagalaw sa kinatatayuan ko at kitang kita ko kung pano na sagasaan si Xian.

"Xiannnnnnnn!!!" napasigaw ako at humahagulgol na dahil sa nakita ko.

Si Xian namatay. Patay na ang Xian na nakasama ko nang dalawang... buwan.

Napabangon ako at humahagulgol. Panaginip ba ang lahat? Memorya ko ba yun? Ano nangyari? Bat nakita kong namatay si Xian?

Tinignan ko ang orasan nang aking oras. 3am na.

Teka... paano ako napunta rito sa silid ko? Ang alam ko ay kasama ko si Xian kagabi a. Ano nangyayari.

Hindi ako mapakali. Sana. Sana mali itong nasa isip ko ngayon. Sana.

Agad agad akong bumaba at lumabas para pumunta sa mysteryong pinto.

Nandun si lola. Naka tingin sa akin at umiling iling ang kanyang ulo.

Ano ibig sabihin nito? Ano? Ano toh?

Bigla ko naalala ang kwento sa akin ni lola. Lahat. Alam ko na lahat. Naiintindihan ko na ang lahat lahat.

Sa storya ni lola at sa mga kilos at matipid na ngiti ni Xian.

Naiintindihan ko na. Ako yung babaeng nasa istorya ni lola. At ang lalaki ay si Xian.

Alam ko na rin ngayon na ang malaking lupa rito sa Garden ay ang kanyang puntod.

Dito siya inilibing kasama ang masasayang memorya namin rito.

Si Xian, Siya ang lalaking nagtyaga sa isnag katulad ko noon at ang lalaking minamahal ako noon at mahal pa rin ako ngayon. Siya ang lalaking nasa tabi ko at ang lalaking pinaramdam na hindi ako magisa.

Hindi ko man lang nasabi na mahal ko rin siya.

Di ko namalayang umiiyak na ako rito.
Xian, Your the one that I love. I'm so sorry for asking you WHO ARE YOU before. But I already know now. YOU ARE MY SPEACIAL FRIEND BEFORE THAT BECAME MY LOVER RIGHT NOW.

But suddenly. You leave me without knowing what's happening.

•~•~•~•~•~•~•~•
YEHEY! EPILOGUE IS UPDATED!!! HOPE YOU'LL LIKE IT!

YES! NATAPOS NA RIN ANG WHO ARE YOU. THANKS SA LAHAT AH!

LOVELOTSSS

|EDITED|

Who Are You Short-Story Completed |EDITED|Where stories live. Discover now