PROLOGUE:

10 0 0
                                    


Angel's POV

Andito ako ngayon sa aking kwarto at nagaayos para sa pagpasok ko sa aking eskwela. Agad kong tinext si Yeza at Kim para makapag ready na rin sila, ngunit si Yeza pa lamang ang nakapag reply. Kaya naman agad kong tinawagan si Kim .

*calling Kim*

Pagkatapos ng ilang ring tsaka pa lamang nya sinagot.

"Ki-" naputol ang sinasabi ko dahil may narinig akong sigaw sa kabilang linya.

"Kimmmmm!!!!!! Gising na malelate ka na naman sa klase mo!" sigaw ni Tita, ang mama ni Kim.

"Kagigising mo lang?!" tanong ko sa kanya ng wala na akong marinig na ingay sa kabilang linya.

"Oo, napuyat kasi ako kagabi kakafacebook." sagot nya naman.

"Psh! Magbihis ka na, susunduin ka na lamang namin ni Yeza" sagot ko sa kanya.

"Oo na po Mam!" natatawa nya pang sabi.

*END CALL*

Pababa na ako ng bigla kong maalala na naiwan ko ang aking paboritong libro. Kaya naman binalikan ko ito sa kwarto.

Pagkakuha ko ng libro ay bumaba na ako at nagpaalam sa aking magulang.

"Ma alis na po ako!" sigaw ko dahil nasa kusina si Mama at nagmamadali din ako.

"Sige anak mag-iingat ka!" balik na sigaw ni Mama.

Nasa labas na ako ng aming bahay ng matanaw ko na si Yeza na papunta na rin pala sa bahay namin, at meron syang dalang tatlong paperbag pero hindi ko alam kung alam kung anong laman nito kaya agad ko syang linapitan at tinanong kung anong laman ng kanyang dala-dalang paperbag.

"Good morning Yeza, anong dala dala mo?"

"Good morning din, ah eto ba? Alam ko naman kasing 'di kayo mag aalmusal kaya nagdala na ako ng makakain natin"

"Bakit tatlo yan?"

"Hindi din kasi ako nag almusal para sabay sabay na tayong kumain"

"Ang sweet mo naman" bigla syang natawa sa sinabi ko.

"Tama na ang satsat at pumunta na nga tayo kila Kim"

"Halika na nga"

Naglalakad na kami papunta kila Kim. tinulungan ko na rin si Yeza sa pagdala ng pagkain. Kakatok pa lamang sana si Yeza ng biglang bumukas ang pinto at bumungad samin si Kim na nagmamadali at di pa nakasuklay.

"Oh! Andyan na pala kayo.." sabi ni Kim

"Pwedeng magsuklay ka muna?!" sabi ko sakanya mukha kasing di nya napansing di pa sya nakakasuklay.

"Kaya nga!" sabi naman ni Yeza.

"Pwedeng sa loob na ng kotse? Malelate na kasi tayo." tumango ng lang kaming dalawa ni Yeza.

"May kotse ka na?" tanong ni Yeza kay Kim.

"Oo meron na, kabibigay palang sakin ng ninang ko"

"May lisensya kana ba?" tanong ko sakanya.

"Meron na rin naman, kaso student's license pa nga lang"

"Edi kunin mo na, malelate na tayo eh" sabi ni Yeza.

Papunta na si kim sa garahe at dali-daling kinuha ang kanyang kotse. Maya-maya ay lumabas na din siya at tumungo na kami papuntang eskwelahan. Habang nasa byahe kami ay nagpatugtog ako ng music. Agad ko na ding kinuha ang mga paperbags at binigyan ko na din si Kim. kukunin pa lamang ni Kim ang pagkain ng bigla kong makita ang humaharurot na truck.

"Kimmmmmmm!!!!!!!!!" sigaw ni Yeza.

"Ahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!" sigaw naming lahat.

BOOOOOOOOOOGGGGGGGHHHHHHHHHSSSSSSSSSSSSSS!!!!!

Bigla na lang nag slow motion ang paningin ko. Namalayan ko na lang na nakabaliktad na yung kotseng sinasakyan namin. Naghihina na ako ngunit may mga narinig parin akong nagsasalita, tinignan ko si Kim na katabi ko ngunit wala na syang malay. Tinignan ko rin si Yeza na wala naring malay. Ilang saglit pa ay nandidilim narin ang paningin ko.

*ALLELUJAH*

To be continued...


***********************************************************************************

A/N:

enjoy guys!

EMOTIONSΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα