Chapter 37

8.4K 286 107
                                    

Chapter 37

-----

Timothy Samaniego

"Storm, for the thirty seventh time, calm the fuck down!" Inis na sabi ni kuya Kal kay Storm na kulang na lang ay mag-bounce sa kinatatayuan n'ya. Storm pouted like the big baby boy he is. Kala mo ikina-cute n'ya yon. Gusto ko s'yang batuhin sa totoo lang.

"Hala, fuck daw! Tapos magtataka ka kung saan natututo magmura 'yang si Storm! Sayo rin naman! Nagmura ka rin, english nga lang!" Talak ni Starr kay kuya Kal na katabi n'ya sa sofa. Kuya snaked his arms on Starr's neck and placed her on a head lock. Starr chocked a little before she slapped kuya's arm. "Hala, gago bitaw!"

"Isa ka rin namang palamura!" Inugoy muna ni kuya Kal nang dalawa pang beses si Starr bago nya ito binitawan. Starr pinched him on his side that made him shout in pain. "Fuck! Starr! Fucking let go of me!"

Itong dalawang 'to kung makadikit at makahawak sa isa't isa akala mo mag-asawa eh. Di na ko magugulat kung isang araw magse-sex na rin 'yang dalawang 'yan. Mga imoral.

"Bakit ba kuya? Eh sa excited ako? Bawal ma-excite? Bawal?" Makulit na pang-aasar ni Storm. Parang biglang nangati 'yung kamay ko at gusto kong ikiskis sa mukha ni Storm. Kung makapanagot kasi. Ganyan 'yan kapag excited eh. He was practically bouncing on his feet already.

"Oo tanga bawal. Bawal managot nang ganyan sa mas nakakatanda sayo." Sagot naman ni Caspian na sinundan ng malutong na tawa ni Hope. "Makatawa naman 'tong kabayo na 'to." Supladong sabi ni Caspian.

Silang dalawa ni Hope 'yung magka-edad and they were close to each other kaya harmless 'yang mga asaran nilang ganyan. Kahit mamaya magkabuhol na yang dalawang 'yan at nagbubugbugan na.

"Easy lang, tandang tigang." Ngumisi si Hope kay Caspian na ikinataas ng kilay nito.

"Sino kaya sa atin ang tigang." Sabi ni Caspian bago ito mayabang na ngumisi. Hope's smirk turned into a frown. Muntik na akong matawa. Si Caspian pa talaga ang sinabihan nang tigang daw.

"At least, safe sa STD." Irap nito kay Caspian. No doubt na may alam na rin itong si Tuason.

"Hyung naman! Pay attention! Puro naman kayo gago ngayon eh!" Pagmamaktol na ni Asher. Paiyak na s'ya sa totoo lang. "Wala tayong matatapos n'yan! I need to fetch Athena two hours from now!"

"Ako meron." Sabi ni Jareth. "Tapos ko na tiklupin 'tong mga damit ng anak ko."

Gago rin 'tong bagito na 'to. Tinipon kami ni Asher dito sa kwarto n'ya dahil magpapatulong s'ya para sa surprise proposal n'ya kay Miguele tapos itong si Jareth pumasok kanina na may dalang isang basket na may lamang bagong laba na mga damit ni Jasper. Kanina pa s'ya tahimik na nagtitiklop. Tatay na tatay lang ang dating. Naisip ko tuloy, kapag kaya nanganak na si Kulot, magtitiklop din ako katulad ni Jareth?

Kinilabutan ako.

No. Not. No.

Kahit ilang katulong ay kukuha ako para gumawa ng mga ganyan.

EZH #2: Timothy Samaniego [COMPLETED]Where stories live. Discover now