You're dealing with the devil

812 30 0
                                    


Xanara POV

Inilapag ko ang tray na dala ko sa mesa at saka palingon lingon na tinignan ang paligid

Nabigla naman ako ng pagharap ko ay ang lapit ng mukha sakin ni Rye



"Ano bang nililingon lingon mo? Kanina ka pa parang drug user na ayaw ma tokhang" - sabi niya at saka naupo sa kaharap kong upuan



"Kanina ko pa napapansin na parang di ka mapakali. Sa classroom halos di ka na nagalaw. Paglabasan hinila mo agad ako. Tas ngayon patingin tingin ka sa paligid"


"Haist! May impakto kasi!" - sagot ko


"Impakto?" - kunot noong tanong niya



Napatingin naman kami sa gilid ng mesa namin ng may makita kaming nakatayo doon


"Ahh hello! Pwede bang makishare ng table?"


Teka kaklase ko to ehh..

Tumango naman kami ni Rye at saka siya naupo sa tabi ko


"By the way I am —"



"Reece Harrison" - ako na ang nagpatuloy sa sasabihin niya at saka ako sumubo ng siomai



"Wahh! You remember my name!"



Actually lahat ng pangalan ng kaklase ko. Memoryado ko ==




"Nga pala noong una di ko akalain na ikaw talaga si Rye!" - sabi niya habang nakatingin kay Rye



Ano bang meron sa lalaking to at parang kilala siya ng mga kaklase ko


"Haha"



Gago tawa lang ang sinagot -.-


"Weehh ang swerte ng section natin! Nasa section natin sila Prince! Ingit na ingit ang mga estudyante ng SU saatin!" - Sabi niya



"Ano bang meron sa grupong un?" - tanong ko



Pansin ko kasing pinagkakaguluhan sila ng mga estudyante

Boy band ba sila??

Artista??

Modelo??

O lahat un.. Sila??


"You didnt know Dieu and his group?" - gulat na gulat niyang tanong



Tinignan ko lang siya ng ganito -_-



"Grabe may di pala nakakakilala kila Dieu" - sabi niya



Si Rye naman patuloy lang sa pagkain



"Sino ba sila?" - tanong ko uli



Kailangan akong makakuha ng impormasyon about kila flower boy!

Bakit?

Wala lang gusto ko lang



"Ang grupo nila ay napakasikat sa buong campus! Kahit nga sa ibang campuses ehh! Dinadayo nga ang SU ng dahil sakanila. Dito din kasi sila nag aral ng high school"


Uhh kaya pala may nakita ako kaninang mga estudyanteng nakauniporme na pang highschool


"Sa grupo nila si Kaizer ang playboy. Pero ang sabi niya nagiging friendly lang daw siya sa mga babae" - ismid na sabi niya


XWhere stories live. Discover now