Chapter 16

321 15 2
                                    

Chapter 16

See You Again

"HELLO, I'm back..." Pagbukas ng pinto ay nakita ko si Victoria. She looked so shock.

"A--ate? Ikaw ba yan?" Gulat na tanong niya. Tumango ako at ngumiti. Kaagad siyang lumapit saakin at niyakap ako.

"Grabe ate amputi puti mo na. Ganyan ba talaga pag nakatira sa isang bansa na nagsnosnow?" Manghang sabi niya pagkatapos bumitaw sa yakap namin.

"Di mo man lang ako namiss? Inuna mo pang napansin kutis ko?" Nag cross arms ako.

"Syempre ate namiss kita!" Tumingin siya sa likod ko. Napansin niya na ata si Martin. "Sino siya ate? Jowa mo?"

"Bestfriend ko pala si Martin" Pakilala ko. Tumango tango lang si Victoria at ngumisi pa saakin. Inirapan ko na lang siya.

"Si Nanay at Venice?" Tanong ko.

"Ah! Si Nanay kasama si Tita Crista tapos si Venice kasama si uhm Tristan" Sabi niya.

Tinaas ko ang kilay ko. "So? Sino kasama mo?"

"Si ano. Si Timo" Umiwas siya ng tingin at namula pa. Its my turn to smirk. "May nangyari ba?"

"Ano ka ba ate! Syempre wala pa" Sabi niya.

"Should I put your luggage inside, Veanice?" Sabat ni Martin.

"Uhm sige Martin. Pasok na tayo" Pinapasok na kami ni Victoria. Umupo ako sa sofa at sumandig.

"Nakakapagod ang flight namin. Naantok na din ako" Sabi ko habang nakapikit.

"Ate Veanice? Its that you?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Kaagad kong minulat ang mata ko at nakita si Timothy.

"Timothy?" Malaki ang pinagbago niya sa loob ng limang taon. Naging mas mature ang itsura niya.

Napansin kong nakatapis pa ito ng tuwalya sa bewang. Kumunot ang noo ko. Tinignan ko si Victoria. She is eyeing Timothy.

"Did something happened?" Seryosong tanong ko.

"Ate! Anuba!" Nahihiyang sigaw ni Victoria.

"My bestfriend's mind is dirty" Iling na sabi ni Martin kaagad ko naman siyang hinampas. "Anong dirty?! Eh nakatapis lang ng twalya yang lalaking yan eh. Sa tingin mo anong iisipin ko diba?!",

"Chill, ouch!" Tinigil ko na ang paghahampas sa kanya. Lumingon ako sa posisyon ni Victoria.

Nakita ko namang wala na si Timothy kaya tinanong ko si Victoria kung bakit nakatapis ng twalya si Timothy. Sabi niya naman na galing daw ito sa trabaho at gustong maligo. Kaya tumango na lang ako.

Ayoko ko kasing ma devirginize ng maaga kapatid ko. Atsaka dapat kasal muna! Aba pano na lang kung mabuntis siya ni Timothy. Naku naku malilintikan talaga sakin yung lalaking yun.

"Anak?!"

Agad akong tumayo at lumapit kay Nanay. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit. Di ko mapigilang maiyak dahil sa pagkamiss ko sa kanya. Iba parin yung nayayakap ko siya.

"I miss you, Nay" Sabi ko.

"Di ko inaasahan to anak. Akala ko di ka na uuwi dito sa Pinas. Alam mo namang matagal ka ng hinahanap ni Cr--noon

"Ah nay! May pasulubong pala ako sayo. Dali"

Agad kong pinutol ang sinabi ni Nanay at kaagad binuksan ang isang bagahe ko na puno ng pasalubong.

I Can See YouWhere stories live. Discover now