3

5 1 0
                                    

Bumaba na ako mula sa bus at nagsimula na akong maglakad papasok sa loob campus.

Pag lagpas ko sa gate agad kong nakita ang malawak na field habang nakapalibot dito ang ilang building ng Samford University.

Magsisimula na sana akong maglakad ulit nang may umakbay sakin.

"Hoy Dana! Sino nagsabing pwede kang pumasok jan ng hindi ako kasama ha? Iniwan mo pa ako sa bus kung di pa ako nasiko sa mukha nung lalaki don di pa ako magigising at di ko pa mapansin na wala ka na at nakalagpas na ako!!" Bulyaw niya sa tenga ko mismo.

And you guessed it right, ang walang kwentang si Hobi linta.

"Ayy sorry di ko kasi namalayan na may kasama pala ako kanina tulog na tulog ka kasi." Irap ko. "Ano bang ginawa mo kagabi?" Balik ko naman sakanya.

Siya kasi pinasama sakin ni Dad kasi marami pa daw silang gagawin sa station at ngayon ko lang din nalaman na parang kanang kamay na rin ni Dad si Uncle Joe kaya pag busy ang isa busy na rin yung isa.

At ito naman si Hobi habang nagaantay kami ng bus papikit pikit na ang mata lalo pa nang makasakay pa kami sa bus tulog na tulog. Sinubukan ko pa siyang gisingin nang malapit na kami dito pero la epek kaya pinabayaan ko nalang siya at bumaba magisa.

Tinawanan lang niya ako bilang sagot kaya inirapan ko uli siya bago nagpatuloy sa pinakamalapit na building kung nasan ang headmaster's office.

Nakarating kami sa tapat ng isang marine blue double door halos doble rin ang taas nito saakin.

Woah. Pag kumatok kaya ako dito maririnig sa loob? Kasi parang ang kapal ng kahoy na ginamit dito.

Huminga muna ako ng malalim at kakatok na sana nang narinig kong humagikhik si Hobi sa tabi ko at walang pasabing itinulak ang malaking pinto.

Napanganga ako sa ginawa niya at sisigawan na sana siya kaso nauna siyang pumasok kaya wala na rin akong nagawa kundi sundan siya.

Pagkapasok ko agad kong nilibot ang paningin ko.

Sheeet ang ganda! Sobrang lawak ng kwarto kasing laki siguro ng dalawang classroom. Ang spacious at ang comfy ng pakiramdam. Mas mukha tong bahay kesa office.

"Good morning sister"

Napalingon ako kay Hobi nang magsalita siya. Sister?

"Barging in the room of Headmaster? You want me to tell it to the faculty?"

Napalingon naman ako sulok ng kwarto kung nasan ang isang nasa 20s na babae.

Ang table niya ay malapit lang sa pinto so i assume na secretary siya dahil na rin sa suot niyang formal attire.

Tumayo siya at lumapit saamin.

"As if you can" Hobi chuckles.

Inirapan lang siya ng babaeng tinawag niyang sister bago tumingin saakin at ngumiti. Syet ang ganda niya!

"And you must be Daniella Yoo?" Tanong niya.

Nag nood ako at nginitian din siya.

Nag lakad siya pabalik sa table niya at inutusan kaming umupo muna sa sofa na naka lagay sa tapat ng isa pang table. Maybe that's the table of the head master.

Pero bakit wala siya dito ngayon?

"Bakit mo siya tinawag na sister? Madre ba yun?" Bulong ko kay Hobi.

Madre? Pero bat siya masungit kay hobi kanina?

"Pfft" tinignan ko siya ng masama. "Di mo na naalala na may kapatid ako no?" Bulong din niya.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Aug 23, 2018 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Masked→ kth.Où les histoires vivent. Découvrez maintenant