Chapter 12

41.4K 907 16
                                    


NASA kalagitnaan ng school year ng sumunod na taon nang malipat sa SIC ang Chinese-American-Filipina na si Moana Marie Lang. Naging magkaklase silang dalawa sa section A at nagkahulihan ng loob at naging best of friends.

At dahil kaibigan niya si Rafael ay natural lang na naging kaibigan din nito si Moana. Bago pa nag-graduate ng high school si Rafael ay nahalata na niya na may gusto ito kay Moana at sinarili niya ang sakit ng damdamin.

Nasa unang taon sa kolehiyo si Rafael pero nanatili silang magkalapit na tatlo at tuluyan nang ipinaalam kay Moana ang damdamin nito.

"Tara sa canteen, MM," padabog na wika ni Rafael sa kanila ni Moana.

Subalit tila hindi naririnig ni Moana ang sinasabi nito at nakatuon ang lahat ng pansin kay Vince Saavedra na nasa di-kalayuan at nakaupo sa bench sa ilalim ng isang puno.

"Moana," banayad na tawag ni Kate sa kaibigan. Pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang kaibigan. "T-tayo na raw..."

"He's drop-dead gorgeous, Kat," patuloy ni Moana.

Masama ang loob na sinulyapan ni Rafael si Katrina bago iniwan ang dalawang dalagita. Nagsisimpatyang sinundan ng tanaw ni Kate ang papalayong binatilyo. Siya ang nasasaktan para dito. Why can't he leave Moana alone? Nandiyan naman siya. Kung ganda rin lang ang pag-uusapan ay hindi siya pahuhuli sa kaibigan. Hindi nga ba at noong isang taon ay siya ang napiling Miss SIC. Ang titulong iyon ang pinaka-prestigious na maaring makamit ng isang estudyante ng San Ignacio College dahil hindi lang ganda ang pamantayan ng pagpili kundi pati na ang academic performance.

At ang alam niya, sa nakalipas na mga taon sa SIC ay tatatlong high school students pa lang ang nagkamit ng titulong iyon. Ang una'y si Kimberly Antonio Marzan na ang pagkakaalam niya'y sa ibang bansa na naninirahan. Bumilang muli ng mga taon bago may isa pang high school student ang napili, si Lacey Bernardino dela Serna. She's still in town at asawa ng manager ng pinakamalaking textile company sa kanilang lugar. Katunayan, ang panganay nitong anak ay nasa kindergarten ng SIC.

At para makalusot ka sa mga college students sa iba't ibang departments then you must be something. At kabilang na siya ngayon sa naunang dalawa na parehong may iniwang magandang pangalan sa SIC.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at tinitigan si Moana. Gusto niyang magalit dito dahil mula nang dumating ito ng San Ignacio ay tuluyan nang lumayo ang pansin ni Rafael sa kanya. Dati'y silang dalawa ang magkasama mula pa noong mga bata pa sila. But Moana is such a friend at wala siyang masasabi rito. At alam din niyang hindi interesado si Moana kay Rafael. Sa pagpapalit-palit ng boyfriend ni Moana mula nang mag-aral ito ng San Ignacio College ay hindi nito ibinilang si Rafael sa mga iyon gayong maliwanag pa sa sikat ng araw na alam ng kaibigan ang damdamin ni Rafael para rito.

"You are both my friends, Kat," minsan ay sabi ni Moana sa kanya. "Hindi ko gustong lagyan ng malisya ang damdamin ko kay Rafael at niya sa akin."

Ikinagalak niya ang sinabing iyon ng kaibigan. Bagaman walang silbi dahil hindi maawat si Rafael sa panliligaw kay Moana. Ang irony ay bukod tanging si Moana lamang ang tumanggi sa pinakamalaking playboy ng San Ignacio College. At ang mga sinasagot ni Moana'y mga lesser ang katangian kaysa kay Rafael. At ang napagtuunan naman ng pansin ng kaibigan ngayon ay si Vincent Saavedra who must be many years older kaysa kanila.

Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)Where stories live. Discover now