2

38 4 0
                                    

Libro
By deinbabe❤

Marami ng tula ang aking nagawa,
At tanging ikaw ang dahilan,
Laging sayo nakalaan,
At pati ang tulang ito,
Ikaw ang nilalaman.

Lunes ng ika'y makitang muli,
Sa aking labi,may kurbang naiukit,
Nang masilayan ko ang iyong ngiti,
At ang iyong pigurang nakaupo sa upuang katabi ay akin.

Sumilay ang sigla sa iyong mukha,
Nang ako'y iyong makita,
Heto na naman ako,
Ito na naman ang puso ko.

Masaya sa pakiramdam na ikaw ang katabi,
Kaya ngiti sa aking labi'y di maitanggi,
Nagtayuan ang ating mga kaklase,
Hudyat na tapos na ang klase.

Tumayo ako't sinimulang buhatin ang aking libro,
Lumapit ka sa akin at kinuha ito,
Sayo ako'y napatingin,
Ng aking kamay ay yung madampian.

"Wag na",
Ang tanging naturan,
"Ayokong mahirapan ka",
Sa'yong bibig nanggaling yan.

Sa naulit na tagpo,
Puso ko ay muling tumibok,
Ayoko nito,
Sapagkat ako'y takot.

Sa aking mata,
Tubig ay bumaha,
Sa aking pisngi,
Ito'y rumagasa.

Tumingin ako sayo,
Sa akin na apat na upuan ang layo,
Ang iyong matatamis na ngiti,
Ang tanging tinatangi.

Nagsitayuang muli ang ating mga kaklase,
Hudyat na tapos na naman ang klase.
Isang taon na ang lumipas,
Nang takot ko'y pumaibabaw.

Heto ka't daraan sa aking harapan,
Aking libro'y kinuha ko na,
Ako'y napayuko,bagyo ay lumakas,
Nang sandaling,sa akin ikaw ay lumagpas.

____________

True to life itechhhh 😭 pero hindi ko siya  iniwasan dahil takot ako(ni hindi nga siya nagkagusto saakin😒),it just that,may mahal siyang iba at kaibigan ko pa😞
Ang hirap pag naging close kayo tapos dahil lang sa feelings mo,biglang back to strangers ulit.Hayyys

Para sayo ulit ito dati kong iniibig 😂
_deinbabe lablab❤

Mga Kaewanan Ni Deinbabe💛Where stories live. Discover now