Prologue

610 12 0
                                    

Too Late to Realize (that i love her)

Shortstory

by eimLabLii

2014

============================

Sa school canteen..

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?" malungkot na tanong ni Abby kay Adam

Marahan na tumango si Adam kay Abby.

"I'm sorry Abby.."

"It's okay.. I understand." at tumayo na si Abby.

Iniwan nya na si Adam at bumalik na sa room dahil tapos na din ang breaktime nila.

Sa Room..

"Class quiet!" saway ng teacher na kakapasok lang sa room nila Abby.

Tumahimik naman ang mga estudyante at nagsi-ayos ng upo.

"Abigail Thompson has an important announcement so please just quiet and listen okay class?" Tumango naman ang mga kaklase ni Abby.

"Good! come here Abigail." tawag ng guro nya sa kanya

Napatingin naman ang mga kaklase ni Abby sa kanya at sumunod ang tingin nila habang naglalakad sya papunta sa unahan.

"You can speak now Abigail." Nakangiting sabi ng kanyang guro

Nagpasalamat muna sya sa guro nya bago humarap sa mga kaklase nya at nagsimulang magsalita.

"Hi guys! I'm here because I want to inform you that I'm leaving by tommorow well i didn't plan this but my mother needs me there. Hindi naman lingid sa inyo na may sakit ang mom ko hindi ba?" malungkot na tumango ang mga kaklase nya at ipinagpatuloy nya uli ang pagsasalita.

"I'm telling you all of this dahil ayokong umalis ng hindi nakakapagpasalamat at nakakakapagpaalam sa inyo.. lahat kayo kaibigan ko at mahal ko kayo, i really love this section because you were all here and i will treasure all the happy and sad moments that we've shared in this room. That time that my Dad told me that we have to leave as soon as possible i felt sad but happy at the same time. The idea that i'm going to leave you guys makes me feel sad but on the other hand i'm happy dahil magkakasama na din kami ni Mom. So i want to take this opportunity to thank all of you! Dahil sa inyo at sa mga naging pinakaka-close ko dito hindi ako masyadong nalungkot at nahirapan na tanggapin ang sakit ng Mom ko salamat sa pagdamay nyo sa akin." Mahabang sabi ni Abby

"Do you really have to go?" naiiyak na tanong ng bestfriend nya na si Rita. Marahan naman syang tumango. Kitang-kita nya rin ang lungkot sa mata ng mga kaklase nya lahat kasi ng kaklase nya napamahal na sa kanya wala syang kaaway kahit isa.

"I  have a farewell party later after class, i'll expect that all of you will come to my party. Please?" Nakangiting pakiusap nya sa mga kaklase nya at nakita naman nyang tumango ang mga ito halatang mga excited pa nga kaya tuwang-tuwa sya.

"Thank you guys!" Bumaling sya sa guro nya na halatang nalulungkot din. "Ma'am sana makapunta din po kayo aasahan ko po kayo ha?" Tumango ito at ngumiti kaya napangiti din sya. "Thank you ma'am." bumalik na sya sa upuan nya.

Nang makaupo na si Abby ay bumaling sya sa likod nya kung saan nakaupo si Adam ang First love nya. Medyo nagulat pa nga sya dahil matiim itong nakatitig sa kanya.

"Adam.. pupunta ka mamaya di'ba?" hindi sumagot si Adam nakatitig lang ito sa kanya. "May sasabihin ako sa'yo mamayang importante so please pumunta ka wag sa hindi okay?" yun lang at tumingin na ulit sya sa guro nya na nagsisimula ng mag-discuss.

 A/N : Kung may wrong grammar man sorry ! 

Too Late to Realize (that i love her) *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon