Jisoo
Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa new canteen. Nakita ko si Jin at nakita niya rin ako kung kaya iniwas ko ang tingin ko. Pumunta siya saamin pero di ko siya pinansin. "Jisoo Sorry." tumingin ako sa kanya At tumango. Hindi pa ako nakapagsalita ulit pero hinila niya ako agad, dinala niya ako sa field na kung saan walang tao. "Teka aray! Teka nga ano ba ang paguusapan natin Jin?" Tanong ko at tumigil sa football field.
"Um... So... Sorry-"
"Pinatawad na kita diba?! Once is enough for a wise person." pagputol ko sa sasabihin niya.
"Okay I get it! I'm not wise. Bobo ako! Pero kahit bobo ako may puso rin naman ako Jisoo!"
"Syempre may puso ka buhay ka nga diba?" bungad ko pa.
"Wag kang magbiro sa ganitong siywasyon. Ilugar mo ang biro." Bigla ko namang naramdaman ang kirot sa puso ko.
"S-sorry. I just tried to chill your boiling brain." pagexplain ko.
"Hindi mo na cool down Jisoo, mas nadagdagan mo lang ang init ng ulo ko! POTA!" kitang kita ang sincerity sa mukha niya pero natatawa ako kasi hindi naman iyon ang topic namin HAHAHA.
"Balik nga sa topic." Sabi ko"Ang alin?"
"Yung "Bobo ako pero may puso din naman ako Jisoo" sa doon na part." "Teka. Kuya!" bigla naman niyang tinawag ang janitor. Luh akala ko kmi lang dito. "Ano po yun sir?" tanong ni manong janitor."Ikaw magsabi ng 3, 2, 1, action." Sabi ni Jin. "Sige po. In 3, 2, 1, ACTION!"
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko Nandiyan parin si kuya janitor."Kuya salamat makakaalis ka na." Sabi ni Jin. Tumango nalang si Kuya janitor at umalis naman.
"May puso ako. May konsensiya ako. Alam kong hindi mo parin ako mapapatawad. Pero kahit maging magkaibigan nalang tayo jisoo. Patawarin mo lang ako. Please?" Nakita ko ang mukha niya. Parang iiyak na siya. Uuuy iiyak na yan! Umiling iling lang ako.
"What do you mean no?" Tanong ulit niya. Kulit neto.
"Hindi ko kaya, Jin. Kung kaya ko edi sana matagal na kitang pinatawad simula ng umamin ka na gusto mo lang ako paglaruan at nang plinano niyong pagselosin ako gusto kita mapatawad. Pero Jin, Hindi eh, hindi kaya ng puso ko. Masakit! Kung alam mo lang." Sabi ko at di ko namalayang may pumatak na luha mula sa mata ko. Tumalikod nalang ako kasi nahiya ako. Akmang lalakad na ako. Hinila niya ako at niyakap.
"Sorry kung nasaktan kita." sabi niya patuloy lang ako sa pagiyak habang yakap yakap niya ako. Shet kilig ako pero napapawi iyon kasi nga ang puso ko kumikirot. "Jisoo, gusto kong magselos ka dahil..." sabi niya na parang may kababalaghan. Humarap ako sa kanya at inisang hakbang niya ang distansiya namin. "Dahil mahal kita Jisoo. Kapag hindi mo ako kinakausap namimiss ko ang pagmura mo at lahat ng kakulitan mo." umiyak nanaman ako at natawa na rin na parang baliw. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko at sumeryoso ulit. "Kasi hindi ko kayang mapahiya pero punong puno na ako hindi ko na talaga matiis kaya ito sumabog na ako." sabi niya. "Hindi ka naman napahiya eh." kumunot ang noo niya. "Anong... Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. "Noon pa man gusto na kita kim seokjin. Kaya nga noong tayo ang naging partners tayo sa science feel ko ako ang pinakaswerte na nilalang sa balat ng earth. Mahal na mahal kita jin." sabi ko yakk ang arte ko pero okay lang para sa taong mahal ko. "Mahal na mahal rin kita Jisoo." hinawakan niya ang baba ko at dahan dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Pumikit nalang ako at "Prrrrrrt! Wala ba kayong mga klase! Kayong mga bata kayo!" sigaw ng guard. Hinila niya ako papunta sa likod ng grandstand hinabol naman kami ni Guard. Tumakbo kami hanggang makarating kami sa room. Di na kami nahabol ni Guard kasi mabigat ang tiyan niya HAHAHHAA.
Natapos narin ang klase nasa bahay na ako nagblink naman ang laptop ko dahilan ng pagngiti ko.
Kim Seokjin sent you a message
Inunblock ko pala siya hahaha. Ang saya ng araw ko sobra.